Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
SAGOT:
- DK
- DK
- KK
- KK
- DK
PALIWANAG:
Ang unang pangungusap ay halimbawa ng denotasyon sapagkat walang malalim na pagpapakahulugan ito. Ito lamang ay inilalarawan sa literal na katangian nito.
- bola - kulay itim na bilog (denotasyon)
- bola - bolero o mahilig magbiro (konotasyon)
Ang pangalawang pangungusap ay isa ring halimbawa ng denotasyon sapagkat inilalarawan ito sa literal na kahulugan at walang malalim na kahulugan.
- bituin - kumikinang sa kalangitan (denotasyon)
- bituin - nagbibigay ningning sa mga tao upang maging inspirasyon (konotasyon)
Ang pangatlong pangungusap ay halimbawa naman ng konotasyon sapagkat may pansariling kahulugan o may malalim na kahulugan ang isa o grupo ng mga salita.
- papel - bagay na manipis na ginagamit sa pag-aaral (denotasyon)
- papel - gampanin o tungkulin (konotasyon)
Ang pang-apat na pangungusap ay halimbawa parin ng konotasyon sapagkat may natatanging kahulugan ang salita o grupo ng mga salita na ginamit sa parirala.
- basang sisiw - mga sisiw na basa dahil sa lakas ng ulan (denotasyon)
- basang sisiw - mga taong abang-aba o kawawa (konotasyon)
Ang ikahuling pangungusap ay halimbawa ng denotasyon sapagkat ito ay literal na kahulugan ng salita at pangkaraniwan lamang ang kahulugan nito.
- kanang kamay - bahagi ng katawan (denotasyon)
- kanang kamay - pangalawang katiwala o pinagkakatiwalang tao (konotasyon)
ANO ANG KONOTASYON AT DENOTASYON?
Ang denotasyon ay kahulugan ng mga salita na ating makikita sa diksyunaryo. Ito ay ang totoo o literal na kahulugan ng salita. Ito ay ginagamit upang pantukoy lamang sa isang bagay.
MGA HALIMBAWA:
- pulang rosas - uri ng rosas na kulay pula
- susi - bagay na ginagamit sa pagbukas sa pinto
Ang konotasyon naman ay mga salita o grupo ng mga salita na may malalim na kahulugan, ito ay kakaiba sa pangkaraniwang mga kahulugan. Nagbibigay buhay ito sa isang pangungusap at nagbibigay diin sa isang salita.
MGA HALIMBAWA
- gintong kutsara - mayaman o may kaya sa buhay
- ahas - traydor
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Layunin naming magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami para sa higit pang mga kaalaman. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa mga kasagutan sa inyong mga tanong.