Answer:
Makatutulong ito sapagkat kung ano ang natutunan natin sa ating bahay ay madadala natin sa paaralan at maibabahagi natin sa iba. Una na diyan ang paggalang, sa paaralan kailangan nating gumalang sa mga guro , nakatatanda o kahit sa kapwa natin mg estudyante upang maiwasan ang gulo. Sa tuwing nakakakita tayo o nakakasalubong natin ang mga guro at nakakatanda, kailangan nating magmano.
Hindi lang tayo ang magiging masaya,kundi pati na rin sila. Dahil makikita nila na sa bahay pa lang natin tinuturuan na tayo ng tamang asal.
Bilang tayo ay mga estudyante, paggalang muna ang ating maibibigay sa ating kapwa, bilang pagbibigay ng pasasalamat sa lahat ng mabuti nilang nagawa. Tutulungan tayo nitong mamuhay ng payapa.At sa pagdating ng panahon, ang bagong henerasyon naman ang gagalang,rerespeto at magmamano sa atin, dahil nakita nila iyon sa atin.