Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Nagbibigay ang aming Q&A platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.

Ano ang mga salik ng heograpiya

Sagot :

Mga Salik ng Heograpiya:

Ang mga salik ng heograpiya ay binubuo ng:

  • klima
  • panahon
  • lugar
  • kinaroroonan
  • pinagkukunan ng yaman

Ang klima ay tumutukoy sa pangkaraniwan at pangmatagalan kalagayan at katangian ng panahon sa isang partikular na lugar o rehiyon. Ito ay maaaring tag - init o tag - araw, tag - lamig, tag - lagas, at tag - sibol.

Ang panahon ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera o himpapawirin sa isang lugar sa tiyak na oras.

Ang lugar ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook. Ito ay natutukoy sa pamamagitan ng: (1.) katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman. (2.) katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga sistemang politikal.

Ang kinaroroonan ay tumutukoy sa lokasyon ng mga lugar sa daidig. Ito ay natutukoy sa pamamagitan ng: (1.) absolute na natutukoy sa pamamagitan ng mga imahinasyong guhit tulad ng longhitud at latitud na bumubuo sa grid. (2.) relatibo na ang batayan ay mga lugar at mga bagay na nasa paligid nito.

Ang pinagkukunan ng yaman ay tumutukoy sa lupa, paggawa, at kapital na kailangan sa produksyon ng kalakal at serbisyo. Bawat bansa ay may kani - kaniyang pinagkukunang yaman.

Keywords: salik, heograpiya

Kahulugan ng Heograpiya: https://brainly.ph/question/126990

#BetterWithBrainly