Nagkaroon ng digmaang opyo ang China at ang England. Natalo ang China kaya unti-unting nasakop ng England ang bansang ito. At nang tuluyan na nilang nasakop ang China, itinatag nila ang Sphere of Influence noong 1900s. Ang sphere of influence ay tumutukoy sa mga rehiyon sa China kung saan nangibabaw ang karapatan ng England o ng Kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito. Upang maiwasang maputol ang ugnayan ng United States at China, iminungkahi ng Secretary of State ng United States ang pagpapatupad ng Open Door Policy kung saan magiging bukas ang China sa pakikipagkalakan sa ibang bansa na walang sphere of influence dito. Ang naging epekto nito ay nagkaroon ng malayang pakikipag-kalakalan ang China sa United States.