Ang Pilipinas ay nagpakita ng Nasyonalismo upang makalaya sa mga dahuyan. Halimbawa ay ang pananakop ng mga Kastila. Hindi naging makatarungan ang pamamahala at ang mga pamamaraang ipinatupad ng Kastila sa bansa kaya umusbong ang makabayang Nasyonalismo ng mga Pilipino. Dalawa ang naging paraan ng pagpapakita ng mga Pilipino ng Nasyonalismo -- ang mapayapang paraan at ang paghihimagsik. Ang mapayapang paraan ay pinamunuan ni Jose Rizal katulad na lamang ng pagtatag niya ng La Solidaridad. Ito'y mga grupo kung saan hindi sila direktang nakipaglaban sa mga Kastila. Sila'y nagsulat lamang ng libro, storya, dula, atbp., na tumutukoy sa pagiging marahas ng mga Kastila. Samantalang ang himagsikan naman ay pinamunuan ni Andres Bonifacio kung saan direkta silang nakipaglaban sa mga Kastila upang makamit ang kalayaan.