Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

ano ang pagkakaiba ng pang uri at pang abay? kindly explain briefly!!

Sagot :

Pagkakaiba ng Pang-Uri at Pang-Abay

Ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay ay, ang pang-uri ay naglalarawan sa isang pangngalan at panghalip, samantala ang pang-abay ay naglalarawan sa isang kilos o pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Pang-Uri

  • Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.

Mga Halimbawa:

  • kulay - asul
  • laki - mataas
  • bilang - tatlo
  • hugis - parisukat
  • dami - isang kilo
  • hitsura - maganda

Uri ng Pang-uri

  • Panglarawan
  • Pamilang

Kaantasan ng Pang-uri

  • Lantay
  • Pahambing
  • Pasukdol

Pang-abay

  • Ito ay salita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o isa pang pang-abay na bubmubuo ng parirala
  • Ang pang-abay ay mabilis mapapansin sapagkat kasama ito ng isang pandiwa.

Mga Halimbawang pangungusap:

  • Ang bata ay masaya.  
  • Ang bata ay masayang naglalaro.

Paliwanag:

Sa unang halimbawang pangungusap, ang salitang masaya ay isang pang-uri sapagkat inilalarawan nito ang pangngalan na bata.

Samantala, sa ikalawang pangungusap, ang salitang masayang (happily) ay naglalarawan sa kilos o pandiwa na naglalaro.

Ibig sabihin, ang pang-uri ay naglalarawan sa mga pangngalan samantala ang pang-abay ay naglalarawan ng isang pandiwa o kilos.

Dagdag na Kaalaman

Pangngalan - tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook at pangyayari  (https://brainly.ph/question/165875)

Pandiwa - Ang pandiwa ay isang salita o maaaring bahagi ng pananalita na nagpapakita o nagpapahayag ng isang kilos o galaw tulad ng takbo, sigaw, talon, nagpapakita at nagpapahayag din ng pangyayari, naging o nangyari, at nagpapahayag ng katayuan tulad ng tindig, upo, umiral (https://brainly.ph/question/2413739)

#LearnWithBrainly