Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Tuklasin ang mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Marami akong natutunan ngayong Enhanced Community Quarantine. Bukod sa pagpapahalaga sa aking sarili ay natutunan ko rin kung paano pahalagahan ang bawat oras — ang bawat oras na kapiling ko ang aking mga magulang.
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, hindi maipagkakailang marami sa ating mga Pilipino ang naghirap — mga mahihirap na taong mas lalong naghirap. Ngunit hindi na ako lalayo pa. Napukaw ng aking damdamin ang nangyari sa pamilya ko. Ang aking ina, na siyang nagtatrabaho para sa aming magkakapatid, ay kinailangang tumigil sa trabaho. Siya ang sumusugod sa mga pamilihan, maibigay lamang ang mga pangangailangan namin. At ang talaga namang nagpadurog sa aking puso ay noong malaman kong ang aking ama ay isa sa mga frontliners na magtatrabaho sa aming barangay. Sa tuwing uuwi ang aking ama, ramdam ko ang pagod sa mukha niya. Sa kabila ng ngiti na kanyang ibinubungad sa amin gabi-gabi ay ramdam ko ang lahat ng napagdaanan niya. Pinili niyang gawin ang trabaho niya bilang isang tanod kahit na alam niyang mahina ang resistensya niya. Pinili niyang makipaglaban sa pandemyang ito sa likod ng maaaring mangyari sa kanya.
Dahil doon ay tila isang kidlat na tumama sa aking puso ang katotohanang kayang gawin ng mga magulang ko ang kahit ano para lamang mabigyan kami ng maganda at maginhawang buhay. Na sa kabila ng nangyayari sa ating bansa ay handang isugal ng mga magulang ko ang kanilang buhay upang hindi kami maghirap na magkakapatid. Kaya naman pinapangako kong simula ngayon, pahahalagahan ko na ang mga oras na kasama ko pa ang mga magulang ko.
Isa pa sa mga bagay na natutunan ko ay ang enjoyin ang buhay. Ngayon ko napagtantong paulit-ulit lang ang ginagawa ko noon. Pagkagaling sa eskwela ay uuwi o kaya naman pagkagaling sa Simbahan ay uuwi. Hindi ko na naranasan ang ibang mga bagay na makapagpapasaya sa’kin. Nakalimutan ko na kung paano enjoyin ang buhay. Lagi lang akong nakadukdok sa gadget ko o kaya naman sa mga plates ko. Hindi ko na naisip na gawin ang mga bagay na gusto ko.
Bisitahin muli kami para sa mga pinakabagong at maaasahang mga sagot. Lagi kaming handang tulungan ka sa iyong mga pangangailangan sa impormasyon. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Ang iyong mga tanong ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.