Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Kumuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong impormasyon. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Ang mga larawang makikita sa sanlibong piso ay ang mga pinakaunang Filipinong martir na nakipaglaban sa panahon ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda, at Vicente Lim.Isinilang si Jose Abad Santos noong Pebrero 19, 1886 at pinalaki sa Pampanga sa kasagsagan ng Himagsikang Filipino laban sa Espanya. Naging bahagi siya ng unang henerasyon ng mga Filipinong ipinadala para mag-aral sa mga pamantasang Amerikano, at bumalik siya ng bansa dala ang digri sa batas. Patuloy niyang hinasa ang nakabibilib na kakayahan sa batas bilang tagapayong legal ng Philippine National Bank at Manila Railroad Company.
Nanilbihan siya bilang Kalihim ng Katarungan para sa iba’t ibang Amerikanong Gobernador-Heneral, una sa ilalim ni Gobernador-Heneral Leonard Wood mula 1922 hanggang 1923. Sa “krisis ng gabinete” noong 1923, nagbitiw sa panunungkulan ang mga Filipinong kasapi ng gabinete, isa na si Abad Santos, bilang protesta sa di-katanggap-tanggap na paghawak ni Gobernador-Heneral Wood sa kaso ni Ray Conley.
Makalipas ang ilang taon, muli siyang napabilang sa hanay ng mga Kalihim ng Katarungan noong 1928, at nanilbihan sa ilalim nina Gobernador-Heneral Henry L. Stimson, Dwight F. Davis, at Theodore Roosevelt Jr. hanggang maitalaga siya bilang Katuwang na Mahistrado ng Korte Suprema noong 1932.
Pagsapit ng 1938, naitalaga si Abad Santos sa pangatlong pagkakataon bilang Kalihim ng Katarungan sa bisa ng kautusan ng Pangulong Manuel L. Quezon. Matagal nang pinagkakatiwalaan ng Pangulo si Abad Santos dahil sa natatangi nitong pagkadalubhasa sa batas at matatag nitong kalooban. Malimit humingi ng payo ang Pangulong Quezon kay Abad Santos hinggil sa mga usaping pambansa, at dagdag pa roon, nanungkulan din si Abad Santos bilang punong manunulat ng mga talumpati at pahayag ng Pangulong Quezon.
Noong Hulyo 16, 1941, ibinalik ng Pangulong Quezon si Abad Santos sa Korte Suprema. Pumutok ang digmaan noong Disyembre 9, 1941, ang kapistahan ng Imakulada Konsepsyon, at ng pagdating ng mga Hapones sa Pilipinas. Kinailangang lisanin ng Pamahalaang Komonwelt ang Maynila, na idedeklarang Open City upang mailigtas ang mga mamamayan sa pambobomba ng mga kalaban. Kasabay noon, dahil sa paglisan ng pamahalaan, kinailangan ang pagrereorganisa ng Pamahalaang Pilipinas upang matugunan ang sitwasyon. Isinagawa ito noong Disyembre 22, 1941, noong inorganisa ang Gabineteng Pandigma ng Komonwelt (Commonwealth War Cabinet) sa bisa ng Executive Order No. 396.
Noong Disyembre 24, nagretiro ang nakatatandang Punong Mahistrado (Chief Justice) na si Ramon Avanceña, na binigyan ang Pangulong Quezon ng pagkakataong maghirang ng bagong Punong Mahistrado. Itinalaga ng Pangulong Quezon si Abad Santos bilang Punong Mahistrado ilang oras bago lumisan ng Maynila ang Gabineteng Pandigma patungong Corregidor. Sa reorganisasyong naganap sa ilalim ng Executive order No. 396, itinalaga rin si Abad Santos bilang Kalihim ng Katarungan at Pananalapi. Noong hapon ding iyon, sumakay ang Gabineteng Pandigma lulan ng S.S. Mayon papuntang Corregidor.
Muling nahalal para sa ikalawang termino ang Pangulong Quezon at Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña noong halalan ng Nobyembre 1941, at tumalilis sa islang moog ng Corregidor upang makalayo sa walang habas na pambobomba ng mga Hapones. Noong Disyembre 30, sa labas ng Lagusan ng Malinta, isinagawa ni Abad Santos ang panunumpa sa katungkulan nina Quezon at Osmeña para sa kanilang ikalawang termino bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Explanation:
hope this helps po
Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Ipinagmamalaki naming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.