Pagyamanin
Gawain A.
Panuto: Salungguhitan ang mga pang-abay na ginagamit sa pangungusap. Isulat sa
papel kung ito ay pang-abay na pamaraan, pang-abay na pamanahon, o pang-abay
na panlunan.
1. Mag-aaral akong tumugtog ng piyano bukas.
2. Maagang nagtungo si Noel sa eskuwelahan.
3. May mga batang mayabang kumilos.
4. Sa susunod na buwan ako magbabalita.
5. Patihaya kung lumakad ang bangka.
6. Umakyat ang malikot na bata sa puno.
7. Tinanggap ko ang balita kanina.
8. Ihulog mo ang aking sulat bukas.
9. Nakita ko siyang taimtim na nagdarasal.
10. Tinutulungan niya ang batang nadapa sa plasa.
11. Mabilis tumakbo ang kabayo.
12. Dumadalaw kami sa aming lola tuwing Sabado.
13. Ang tatay ni David ay nagtuturo sa aming paaralan.
14. Sina Prince at Ethan ay naglalaro sa tabing ilog.
15. Balang araw matatapos din ang pandemiyang ating nararanasan.
Gawain B.