Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Ang mga sumusunod ay ginampanan ng mga bayan at lungsod maliban sa isa?
A. Nagsilbing sentro ng mga kaharian at naging mahalaga ang papel nito sa kaunlaran ng lipunan.
B. Naging tagpuan ng mga pisante na tumakas sa kanilang amo sa bukid.
C. Naging lunduyan ng mga naghaharing uri.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Naging bagsakan ng mga iba’t ibang produkto tulad ng seda, mga balat ng hayop,
kahoy at amber sa Panahong Midyibal:
A. Baybabaying Dagat
B. Lambak at Ilog
C. Kapatagan
D. Lahat ng nabanggit
3. Ang mga bata sa gulang na 7 lamang ay pumapasok na bilang
A. Apprentice
B. Journeymen
C. MasterCraftsmen
D. Merchant Guilder
4. Ang ligang Hanseatic ay binuo ng __ lungsod mula sa Rusya hanggang Britanya
A. 70 C.47
B. 57 D. 27
5. Ang isang ___ ay haharap sa grupo ng mga maestro na siyang huhusga sa kanyang kakyahan.
A. Apprentice
B. Journeymen
C. Master Craftsmen
D. Merchant Guilder
6. Pangyayaring nagbigay-daan sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod:
A. Krusada
B. Digmaang sibil
C. Sistemang piyudalismo
D. Pagbagsak ng monarkiya23
7. Isang sitwasyon na kung saan nagkaroon ang mga mamumuhunan at pamahalaan ng isang kasunduan na magpapautang ng pera ang mga mamumuhunan samantalang ang pamahalaan ay magbibigay ng mga barko, tao at sandatahang lakas upang maprotektahan ang manlalakbay sa pakikipagkalakalan sa Silangan:
A. Merkantilismo
B. Kolonyalismo
C. Imperyalismo
D. Kapitalismo
8. Sa sistemang Merkantilismo, nakabatay ang kapangyarihan at kayamanan ng bansa sa:
A. Sandatahang lakas
B. Ginto at Pilak
C. Malawak na Lupain
D. Lahat ng nabanggit
9. Monarkiyang tumulong sa ekspedisyon ni Columbus sa Bagong Daigdig:
A. Portugal C. Espanya
B. Italya D. Pransya
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbigay-daan sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal?
A. Pagkakataon ng mga mangangalakal na bumili ng kalayaan sa kanilang
Panginoong Maylupa.
B. Paggamit ng baril bilang sandatang pang-depensa.
C. Pagkakaroon ng isang wika.
D. Lahat ng nabanggit.