Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
[tex]\huge{\boxed{\boxed{\tt{Sagot:}}}}[/tex]
Ano ang fake news at ano ang dapat nong gawin para maiwasan ito?
Fake News:
- Ang fake news ay hindi totoo o nakakalinlang na impormasyon na ipinakita bilang balita. Madalas na may layunin itong mapinsala ang reputasyon ng isang tao o nilalang, o kumita ng pera sa pamamagitan ng kita sa advertising.
Dapat Gawin Para Maiwasan Ito:
Upang maiwasan na maluko ng fake news ay:
- Tiyaking totoo ang impormasyon at mula sa sa mga pinagkakatiwalaang sources.
- Mag-tanong o mag-search sa internet kung totoo nga ang impormasyon nabasa/narinig mo
[tex]\large{\tt{-BananaBoots}}[/tex]
#CarryOnLearning
Answer:
Sa panahon ngayon, dapat mas maging maingat tayo sa pamamahagi ng mga balitang ating nakakalap. Para maiwasan ang mga fake news na kumalat, narito ang limang paraan na maaari mong gawin:
Siguraduhin ang kredibilidad ng pinagmulan ng impormasyon
Tiyaking tama ang impormasyong ipapasa
Huwag magpadala sa emosyon ng nabasa
Think before you click
Kapag nakabasa kang mali, itama mo
1. Siguraduhin ang kredibilidad ng pinagmulan ng impormasyon
Bago magbahagi ng balita, alamin muna kung saan nanggaling ang impormasyon at suriin ang paraan ng pagbabalita. Ilan sa mapagkakatiwalaang sources ng mga balita ay mga anunsyo mula sa gobyerno, balita mula sa mga media network (TV, dyaryo, at online), at mga sangay gaya ng WHO.
2. Tiyaking tama ang impormasyong ipapasa
Sa panahon ngayon na maraming gumagamit ng social media, mas dapat pa tayong maging kritikal sa ating mga nababasa. Hindi lahat ng nakikita o nagba-viral online ay totoo dahil maraming nagkalat na fake news tagalog.
Bago mo ibahagi ang nabasa mo, siguraduhin mo munang tama ang impormasyon. Kung nakadududa ito, mag-research at magbasa ka pa ng ibang artikulong kahalintulad ng paksang nakita mo lalo na kung ito’y tungkol sa kalusugan gaya ng mga kumakalat na home remedy tips at health benefits ng naturang pagkain.
Kapag kumalat ang maling impormasyon o iba pang halimbawa ng fake news sa social media tagalog, baka mapahamak ang taong makababasa nito lalo na kapag ginawa niya ang mga nabasa niya.
3. Huwag magpadala sa emosyon ng nabasa
Likas sa atin ang pagiging emosyonal kaya naman kapag may isang artikulo, blog, o social media post na nakapukaw ng ating emosyon ay agad na natin itong paniniwalaan kahit misan ay fake news pala; hindi dahil mabilis lang tayo mapaniwala kundi dahil iyon ang gusto nating marinig na impormasyon sa mga panahon ng paghihirap. Karaniwan ito sa mga may paksang nakakapagbigay ng inspirasyon, good vibes, at mga umano’y benepisyo.
Bagamat walang masama rito, mainam lang na siguraduhin munang tama ang ibabahagi niyong impormasyon.
4. Think before you click
Isang magandang aksiyon para maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon ay ang pagsasagawa ng “think before you click” mentality. Bago ka mamahagi ng balita, pag-isipan mo munang mabuti kung ano ang mga magiging epekto nito sa nakararami; kung ano ang maganda at masamang dulot nito; kung mahalaga ba ito na malaman ng marami; at kung makatutulong ba ito sa sambayanan.
Huwag agad-agad mag-share ng mga nababasa online. Maging responsable sa lahat ng oras dahil kadalasan ay masama ang epekto ng fake news.
5. Kapag nakabasa kang mali, itama mo
Kung nakakita ka ng mga halimbawa ng pekeng balita sa social media, ikaw na mismo ang pumigil sa pagkalat nito. Kung alam mong walang kuwenta o mali ito, ‘wag mo nang ipamahagi para hindi na madagdagan ang mga taong makababasa nito.
Siguraduhin ang kredibilidad ng pinagmulan ng impormasyon
Tiyaking tama ang impormasyong ipapasa
Huwag magpadala sa emosyon ng nabasa
Think before you click
Kapag nakabasa kang mali, itama mo
Sana nakatulong ako
keep safe
good luck sa module
Umaasa kami na nakatulong ang impormasyong ito. Huwag mag-atubiling bumalik anumang oras para sa higit pang mga sagot sa iyong mga tanong at alalahanin. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.