ayaw niyang ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa
kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti,
tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga
kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang
mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa
ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches,
kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa
kaniyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang
kaniyang pagkain at sila'y magtatawanan kapag nakita nilang
ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na
karaniwa'y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila.
Naging walang kibo
kibo. Mapag-isa. (1. Bakit naging
malulungkutin at walang kibo ang batang babae?)
Ang nangyayaring ito'y hindi naman lingid sa kaniyang ina.