help po
Organisado ang pamumuhay ng mga sinaunang Filipino. Ano ang tawag sa yunit
pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan ng mga Filipino noong panahong Pre-
kolonyal?
A. barangay
B. sanduguan
C. sultanato
D. timawa
2. Mayroong antas panlipunan ang mga sinaunang Filipino. Ano ang tawag sa pangkat ng
mga sinaunang Filipino na nasa pinakamababang kalagayan sa barangay mula sa
Visayas?
A. alipin namamahay
B. alipin saguiguilid
C. maginoo
D. oripun
3. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa paraan ng pamumuhay ng mga Filipino
sa panahong Pre-kolonyal?
A. Ang datu at maginoo ang pinakamatataas na tao sa barangay.
B. Ang bawat antas panlipunan noon ay may gampanin sa lipunan.
C. Mayroong isang pangkat ng tao sa sinaunang lipunang Filipino.
D. Mahalaga ang papel ng kababaihang Filipino sa lipunan ng sinaunang
barangay.
4. Aling titik ang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangkat ng tao sa lipunang
barangay mula sa unang antas hanggang ikatlong antas?
A. datu at maharlika – maginoo at timawa – alipin
B. datu at timawa – maginoo at maharlika – alipin
C. datu at maginoo – maharlika at timawa – alipin
D. maginoo at datu – maharlika at alipin – timawa
5. Namuhay ang mga sinaunang Filipino sa barangay. Aling mga titik ang may wastong
paglalarawan sa sinaunang barangay?
A. Nagmula ang salitang “barangay” sa isang sasakyang pandagat.
B. Binubuo ang barangay ng mga tao na nagmula sa isang pamilya.
C. Ang bawat barangay ay may nagsasariling pamahalaan.
D. Nakikipagkasundo ang pinuno ng barangay sa pamamagitan ng sanduguan.