TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang iyong pangalan kung tama ang pahayag at apelyido mo
naman kung mali
1. Ang editoryal na tinatawag ding pangulong tudling ay bahagi ng pahayagang
nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa
Isang Isyu.
2. May tatlong bahagi ang editoryal o pangulong tudling.
3. Sa panimula ipinahahayag ang bahaging panghihikayat o paglagom upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal
4. Sa bahagi ng wakas makikita ang panghihikayat para sa mga mambabasa
5. Sa bahagi ng katawan ng editoryal, mapapansin ang mga opinyon o kuro-
kuro ng sumulat
6. Sa panimula binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin.
7. Sa pagsulat ng editoryal, iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang
patakaran
8. Hindi na dapat tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at
wakas.
9. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang
atensiyon ng mambabasa.
10. Ang editoryal ay tinuturing na tinig ng pahayagan dahil dito mababasa ang
paninindigan nila ukol sa isang napapanahong isyu.