Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming komprehensibong platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ano ang epekto ng pagkakaroon ng polusyon sa tubig at hangin at pagbabaha sa paligid​

Sagot :

Sagot:

Ang sanhi at epekto ng pagkakaroon ng Air, Water at Land Pollution ay ang sumusunod:

SANHI

usok ng transportasyon at basurahan

sunog

usok sa sigarilyo.

pagtatapon ng basura at kemikal

pagmimina

pagputol ng mga puno

EPEKTO

pagkasira ng mga yaman sa tubig

pagkamatay ng isda

iba't ibang klase ng sakit

mainit na temperatura

Explanation:

Ang polusyon ay isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ng daigdig sapagkat ito ay sumisira sa kalikasan. Ito ay may napakasamang epekto hindi lamang sa kapaligiran kundi pati na rin sa mga nilalang na may buhay kagaya ng tao at hayop. May iba't ibang uri ng polusyon at ito ay ang:

Air Pollution

Water Pollution

Land Pollution

Air Pollution

Ang polusyon sa hangin ay nagmula sa mga iba't ibang pinagmumulan ng usok kagaya ng usok sa sasakyan, pabrika, pagsusunog ng kagubatan, basura at paninigarilyo. Dahil dito, nagkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan ng tao. Ito ang naging dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa baga, hika at allergy. Naging dahilan rin ito ng pagkakaroon ng mainit na temperatura at maliit na suplay ng oksiheno.

Water Pollution

Ang polusyon sa tubig ay ang pagiging marumi ng mga anyong tubig kagaya ng karagatan at ilog. Ito ay dahil sa pagtatapon ng mga basura at iba't ibang klase ng kemikal na nagiging dahilan naman ng pagkamatay ng mga isda at iba pang hayop sa dagat at pagkasira rin ng mga halamang dagat. Naging dahilan din ito ng pagkakasakit ng tao.

Land Pollution

Ang polusyon sa lupa ay naging problema sapagkat naging mapangabuso ang mga tao may kinalaman sa pagmimina na naging dahilan ng pagguho ng lupa at pagkakalbo ng kagubatan na naging dahilan naman ng pagbaha. Isa rin sa sanhi ay ang pagiimbak ng mga basura lalo na ng mga basurang natutunaw. Dahil sa mga ito, nagkakaroon ng landslide, pagkasira ng mga organismo sa lupa at pagkasira rin ng mga halaman.

 

Answer:

ang polusyon sa tubig ay maaaring magdulot ng pagkakasakit ng mga tao na makakainom nito, gayunman ay hindi lang tao ang maaapektuhan kundi pati ang mga hayop na nabubuhay sa tubig kagaya ng isda, maaari itong magdulot ng fish kill. Ang polusyon naman sa hangin ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, lalong lalo na sa mga taong may sakit kagaya ng asthma. ang pagbabaha sa paligid ay pwedeng magdulot ng kapahamakan ng mga tao, kung malakas na baha ay maaari nitong masira at maabot ang mga kabahayan, ang baha naman na matagal humupa ay pwedeng pangitlugan ng lamok na magdudulot ng pagdami nito, na magiging sanhi ng dengue.