Answer:
Pagbasa Ang Pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang tungo sa pagkilala pagpapakahulugan at pagtataya sa nga isinulat ng maakda. Dagdag pa sa kasanayang pang-wika ay ang pagsasalita, pakikinig at pagsusulat. Malaking kapakinabangan ang makukuha sa pagbabasa. Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, libangan, pagkatuto at mga karanasang maaaring mangyari sa tunay na buhay. Sa pagbabasa, hindi sapat na may kakayahan sa mabilis na pagbasa, ang mahalaga ay ang pagtugon ng isipan sa binabasa maging ang paksang binabasa ay pagkalibangan.