1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
A. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulat.
B. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon at estado.
C. Sinaunang pamumuhay relihiyon, pamahalan, mga batas at pagsusulat.
D. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, gawaing pang-ekonomiya,
teknolohiya, sining, arkitektura at pagsusulat.
2. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan nang kahulugan ng kabihasnan?
A. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain.
B. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan.
C. Pamumuhay na tumutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.
D. Pamumuhay sa nakasanayan at pinauunlad ng maraming pangkat ng tao.
3. Ano ang mangyayari sa lipunan kung may organisadong pamahalaan at batas na
ipinatutupad dito?
A. Magkakaroon ng katahimikan at pagkakaisa ang mga mamayan.
B. Magkakaroon ng mga protesta at di-pantay na trato ng tao sa lipunan.
C. Magkakaroon ng disiplina, katarungan, kaayusan at kapayapaan ang mga tao sa
lipunan
D. Magkakaroon ng kaunlaran, kapayapaan, pagkakaisa at disiplina sa buong lipunan at
nasasakupan.
4. Anong batayan ang napakahalaga para sa mag-aaral at lahat ng tao upang maging mahusay
sa pakikipagtalastasan at komunikasyon?
A. Pagsusulat
B. Pamahalaan
C. Relihiyon
D. Teknolohiya