I. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at kahunan ang pangatnig. Isulat sa patlang ang uri nito.
________________ 1. Kung ano ang iyong itinanim, siya rin ang aanihin.
________________ 2. Sana ay sumunod ang lahat sa batas.
________________ 3. Tuwang-tuwa ang magiting na sundalo dahil sa natanggap niyang parangal.
________________ 4. Sumiklab ang malaking sunog sa amin gawa ng kapabayaan ng kapitbahay.
________________ 5. Umuwi ka kaagad saka-sakaling tumigil ang ulan.
________________ 6. Kung saan nagmula ang ulan, doon din matatanaw ang ulap.
________________ 7. Kung gaano karami ang inilagay mong asukal, gayon din ang ilagay mong gatas.
________________ 8. Nakakuha nang mataas na marka sa pagsusulit si Kristine kasi nag-aral siyang mabuti.
________________ 9. Huwag mo akong sisihin kapag napahamak ka.
________________ 10. Marami ang humahanga sa alkalde sapagkat mabuti siyang pinuno.
II. Panuto: Sumulat ng tiglilimang pangungusap gamit ang pangatnig na panubali, pananhi at patulad. Salungguhitan ang mga pangatnig na ginamit.(15 puntos)