Buuin ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang impraestrukturang humaharang sa daloy ng tubig upang magamit
ito sa industriya, irigasyon, pangingisda, at iba pa ay tinatawag na ______.
a. daangbakal c. serbisyong nagbibigay ng tubig
b. dam d. sistema ng RoRo
2. Ang mga pribadong paaralan na ang nililinang ay ang mga araling Islam
at ang pagkatuto ng Arabik ay tinatawag na mga paaralang ______.
a. espesyal c. madrasah
b. kinder d. sekondarya
3. Ang ay ibinibigay sa mga batang may gulang 0–11 buwan
upang maiwasan ang mga sakit na polio, tigdas, tetano, at iba pang
impeksiyon.
a. bakuna c. iniksiyon
b. gamot d. tableta
4. Ang kurikulum ay nagdaragdag ng bilang ng taon sa batayang
edukasyon na ang layon ay mapabuti ang sistema ng edukasyon sa
Pilipinas.
a. espesyal na edukasyon c. K to 12
b. Kinder d. sekondarya
5. Ang programang ay itinataguyod ng pamahalaan na nagla-
layong magdagdag ng mga hanapbuhay sa mga lugar na apektado ng
mga kaguluhan o maaaring magkaroon ng kaguluhan.
a. Burgos Wind Farm c. RoRo
b. PAMANA d. SPED