Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Tuklasin ang detalyadong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.
Sagot :
Answer:
Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon.Sa pananakop nila sa Pilipinas, may ginamit silang dalawang pangunahing estratehiya. Ito ay ang ebanghelisasyon at ang kolonisasyon. Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino na mga pagano o infieles dahil wala silang pinaniniwalaang diyos. Tinatawag rin sila na di-sibilisado dahil ang kanilang pamumuhay ay kakaiba sa Europa lalo na sa Espanya.
May mga patakarang ipinatupad ang mga Espanyol. Una ang entrada. Ito ang unang hakbang sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ginagamitan ito ng mga lakas-militar upang sakupin ang Pilipinas.
Matapos ang entrada, sumunod ang reduccion. Ito ay ang pag-iipon ng mga tao sa iba't ibang barangay sa isang cabecera. Dahil sa patakarang ito, napadali ng mga Espanyol na masakop ang Pilipinas.
Ang mga paring misyonero naman ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng doctrina. Ito ay ang paghahanda sa pagtatayo ng isang parokya. Ang mga paring misyonero rin ang nangangasiwa ng pagbibinyag sa mga simbahang Katoliko. Sa patakarang ito, ang mga Pilipino ay hindi na tinatawag na pagano ng mga Espanyol dahil nagkaroon na silang pinaniniwalaang diyos.
Maliban sa entrada, reduccion, at doctrina, ang mga Pilipino na sapilitang ipinasailalim sa mga Espanyol na napakaloob sa sistemang encomienda. Ang sistemang encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng pamahalaang Espanya. Ito rin ay ang mga karapatan at tungkulin na ipagkatiwala at ipinagkaloob sa hari ng Espanya upang mmapayapa ang Pilipinas. Ang encomienda ay nagmula sa salitang encomendar na ang ibig sabihin ay "ipagkatiwala". Ang mga encomendor na napagkalooban ng encomienda at naging tagapamahala sa nasasakupan. Sa sistemang ito, ang Pilipinas ay nakaranas ng kahirapan sa buhay.
Bilang kolonya ng hari sa Espanya, ang mga Pilipino ay sapilitang pinagserbisyo sa hari sa pamamagitan ng polo y servicio personal o prestacion personal. Ang polo y servicio personal ay ang sapilitang paggawa ng walang kabayaran. Ang mga lalaking Pilipino na mula 16 hanggang 60 na taong gulang ay pinaglilingkod o pinatatrabaho nanng 40 na araw sa loob ng isang taon sa pamahalaan ng Espanya. Sila ay inaatasang magputol ng mga puno sa mga gubat at gumawa ng mga barkong pandigma. Dahil sa polo y servicio personal, marami ang nagutom na mga Pilipino at kumunti ang populasyon ng mga lalaki sa Pilipinas.
Labis ang sapilitang pagbayad ng buwis na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay tributo. Ang mga ecomendero ang nangungulekta ng mga buwis sa Pilipinas. Sa tributo, ang mga Pilipino ay nakaranas rin ng kahirapan.
Nagbago ang ekonommiya ng Pilipinas dahil sa pagpapatupad ng mga bagong patakaran.
Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Mahalaga ang iyong kaalaman. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot at impormasyon.