Ang kultura ng Singapore ay
binubuo ng kulturang Chinese, British, Malay at Indian. Sa larangan naman ng
edukasyon ay makikita na ito ay pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno dahil sa
paniniwalang malaking tulong sa mga tao roon at sa bansa kung magkakaroon sila
ng mataas na porsyento ng mga taong nakakabasa at nakasulat. Kagaya ng ibang
bansa meron silang pre-school, primary, secondary at tertiary levels. At dahil
sa may iba-ibang kultura ang bansa, English ang ginagamit na pangunahing wika. Maunlad
ang uri ng pamumuhay dito, may malayang ekonomiya at mataas ang GDP. Aktibo sa
pag-eeksport ang bansa lalo na sa larangan ng industriya at elektroniko. Ang
mga halimbawa naman ng panitikan sa bansa ay Kung Mangarap Ka Nang Matagal, Ang
Ama na isinalin sa tagalog ni Mauro R. Avena at Maikling Kuwentong Makabanghay.