_____1. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan
upang mapanatili ang katatatagan ng presyo sa pamilihan
A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid.
B. pagtataguyod ng mga batas sa pangngalaga sa karapatan ng mga konsyumer.
C. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo.
D. Pagtatakda ng Price Ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin.
_____2. Ayon kay Adam Smith, may pwersang gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor sa pamilihan na
tinatawag na invisible hand. Ano ang tinutukoy na pwersa na maaring kumontrol sa pamilihan?
A. Prodyuser B. Konsyumer
C. Presyo D. Produkto at Serbisyo
_____3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sistema ng pamilihan?
A. Lahat ay maaring makapagtinda sa pamilihan
B. Natutukoy sa pamilihan ang sistemang pang-ekonomiya.
C. Nakakamit ng kapwa mamimili at nagtitinda ang kanilang mga layunin.
D. Ang pamilihan ay mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.
_____4. May ilang serbisyong panlipunan na kailangang bilhin ng pamahalaan upang maipagkaloob sa mga
mamamayan tulad ng seguridad na ipinagkakaloob ng mga pulis at sundalo. Anong estruktura ng pamilihan
ito nabibilang?
A. Oligopolyo B. Monopsonyo
C. Monopolistic Competition D. Monopolyo
_____5. Ang pamilihan ay may mahalagang ginagampanan sa buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang
nagsisilbing lugar kung saan makakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan
at kagustuhan sa pamamagitan ng pagbili ng produkto o serbisyong itinidinda dito. Ano naman ang
kahalagahan ng pamilihan sa panig ng mga prodyuser o bahay-kalakal?
A. Kumikita sa pamamagitan ng pagtitinda ng produkto o serbisyo.
B. Nagtutustos ng mga serbisyo at produkto upang ikunsumo ng mga tao.
C. May kakayahang itakda ang dami at presyo ng produkto at serbisyong gagawin.
D. Tumatanggap ng subsidy mula pamahalaan upang tustusan ang gastusin sa produksiyon.
_____6. Isa sa mga isyung kinakaharap ng mga konsyumer ay ang mabagal na internet service na kanilang
natatamo sa iilang lokal na network provider at ang hindi makatwirang halaga ng serbisyong sinisingil ng mga
ito. Ano ang pinakamabuting maaaring idulot sa mga konsyumer kung bibigyan ng pagkakataon ng
pamahalaan ang mga dayuhang kompanya na may katulad na itinitindang serbisyo na mag negosyo sa loob
ng bansa?
A. Magtataas ang presyo ng internet service sa pamilihan katumbas ng pagtaas ng kalidad nito.
B. Magsasara ang mga lokal na industriyang hindi kayang makipagsabayan sa dayuhang kompanya
C. Mapipilitan ang mga lokal na industriya na ibaba ang presyo upang manatili ang kanilang
konsyumer.
D. Magkakaroon ng mas maraming pagpipilian ang mamimili na nag-aalok ng serbisyong de-kalidad
at abot kaya.
_____7. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na deskripsyon ng estruktura ng pamilihan?
A. Umiiral sa pamilihang dinidiktahan lamang ng pamahalaan at hindi ng dalawang aktor nito.
B. Tumutukoy sa pagiging bukas ng pamilihan sa mga produkto at serbisyo galing sa ibang bansa.
C. Ito nahahati sa dalawang balangkas, ang ganap na kompetisyon at di-ganap na kompetisyon.
D. Sistematikong pangangasiwa ng Pamilihan upang hindi magkaroon ng overpricing at collusion
_____8. Ang mga produktong nasa ilalim ng monopolistikong kompetisyon ay may magkakatulad na anyo at
uri Subalit magkakaiba sa pakete, label, at flavor o kulay. Bilang isang matalinong mamimili, ano ang dapat
mong isaalang-alang sa pagbili ng produkto?
A Bumili ng produktong mura subalit subok nang de-kalidad.
B. Bumili ng mahal dahil siguradong mataas ang kalidad ng produkto.
C. Dumipende sa tv commercial kung sikat ang artistang nag-endorso.
D. Kumonsumo ng produktong imported upang matiyak ang kalidad nito.
_____9. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang?
A. Maraming maliliit na prodyuser at konsyumer
B. Maaaring magtatag ng kartel ang mga prodyuser
C. Malayang pagpasok ng impormasyon sa pamilihan.
D. Homogenous o pare-pareho ang produktong tinitinda.
_____10. Ang Pamahalaan ay nagtatakda ng price ceiling sa mga produktong labis ang pagtaas ng presyo.
Ang ceiling price ay mas mababa kaysa sa ekwilibriyong presyo. Ano ang maaaring maging bunga nito para
sa mga mamimili?
A. Maaaring tumaas ang demand ng mga mamimili
B. Maaaring bumaba ang demand ng mga mamimili
C. Maaaring magdagdag ng supply ang mga prodyuser
D. Maaaring magbawas ng supply ang mga prodyuser