MAGANDA ANG LAHAT
ni Rufino Alejandro
I
Maganda ang araw kung sumusungaw
Sa likod ng bundok ay nakangiti pa
Maganda ang buwan ,parang tumatawa
Sa hihigang pilak ,kung nagpapahinga.
II
Maganda ang ulan na papatak-patak
Sa gitna ng bukid ay butil na perlas
Maganda ang ibon na lilipad-lipad
Sa langit ay munting bangkang naglalayag
III
Bulaklak sa tangkay,oo ,maganda rin
Lalo’t nagduruyan sa ugoy ng hangin
Maganda ang kislap ng mga bituin
Sa singsing ng Diyos,batang nagningningning
IV
Ang bughaw na langit,ang payapang dagat
Ang mabining alon,ang maputing ulap
Ang sanggol sa duyan ,kung humahalakhak
Lahat ay maganda ,maganda ang lahat.
Batay sa tulang binasa sagutin ang hinihingi ng talahanayan na nasa ibaba.sa bawat hininging kasagutan.
mga sasagutan=
1. Pamagat ng tula: Maganda ang Lahat
2. Tono o Damdamin:
3. Sukat:
4. Uri ng Tula:
5. Tagong Talinghaga:
6. Mensahe:
Also, Subscribe to my YT channel Hiro Hyper