Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong.Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang naging hudyat ng pakikidigma ng Hapon sa Estados Unidos? *
A.pagbomba sa Pearl Harbor
B. paglusob sa Pilipinas
C. Death March
D.pagsakop sa Manchuria
2. Ipinahayag ng mga Hapon ang layunin nilang palaganapin ang Samahan ng Kaganapan ng mga bansa sa Kalakhang Asya (Greater Asia Co-prosperity Sphere). Ito ay: *
A. Totoo, nais nilang tunay na umunlad ang mga bansang Asyano.
B. Yabang lamang, kailanma’y di sila maaaring mamuno.
C. Mali, gusto lamang nila tayong maakit at mapasunod.
D. Tunay na magtatayo sila ng mga industriya sa Asya na kahati ang ibang bansa dito.
3. Siya ang pinuno ng hukbong Hapon na sumakop sa Pilipinas: *
A. Hen. Nagasaki
B. Hen. Hirohito
C. Hen. Masaharu Homma
D. Hen. Yamashita
4. Ano ang tawag sa paglusob ng mga Amerikano sa Pearl Harbor? *
A. Labanan sa Bataan
B.Labanan ng Kataksilan
C.Death March
D.Labanan sa Corregidor
5. Kailan sinalakay ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii? *
A. Disyembre 7, 1941
B. Disyembre 8, 1941
C. Abril 9, 1942
D. Mayo 6, 1942
6. Saan nagmula at nagtapos ang paglalakad ng mga bilanggong kawal sa tinaguriang” Death March”? *
A. Mula Mariveles, Bataan hanggang Maynila
B. Mula Mariveles, Bataan hanggang Capas ,Tarlac.
C. Mula Mariveles Bataan hanggang san Fernado ,Pampanga
D. Mula Mariveles Bataan hanggang Clark Field, Pampanga
7.Sino ang pangulo ng Pilipinas noong panahong sakupin ng Hapon ang Pilipinas? *
A. Emilio Aguinaldo
B.Manuel Quezon
C. Elpidio Quirino
D. Manuel Roxas
8. Noong Marso 11, 1942, inatasan si Heneral McArthur na magtungo sa Australia upang pamunuan ang puwersa doon. Binitiwan ni McArthur ang katagang”____________________”.
A. ‘ I Shall Return”.
B. “ Kasarinlan ng Pilipinas ang kailangan natin!
C. “ Take no prisoners! I want you to kill and burn.
D. “ Kayo ay mga traydor sa bayan!
9. Alin sa sumusunod ang tamang pagkasunud-sunod ng mga pangyayari sa pananakop ng mga Hapones. I. Noong Abril 9, 1942 sumuko ang mga sundalong USAFFE sa mga Hapones. II. Disyembre 7 1941, pataksil na sinalakay ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii. III. Nilusob ng puwersang Hapones ang himpilan ng USAFFE sa Corregidor IV. Mayo 6, 1942 bumagsak ang Corregidor V. Nagmartsa ang mga sumukong sundalong USAFFE *
A. III- V- IV- I-II
B. II-I-IV-V-III
C. I-II-III-IV-V
D. II-III-V-IV-I
10. Ano ang ipinahihiwatig nito?Ang mga sumukong sundalo, na tinatayang 30,000 na Pilipino at 10,000 na Amerikano, ay sapilitang pinaglakad ng 150 kilometro mula sa Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga. Isinakay sila ng tren patungong Capaz, Tarlac at muling pinaglakad hanggang Camp O’Donnell. Ito ay tinawag na Death March. *
A. Talunan ang mga Pilipino.
B. Malupit ang mga Hapones.
C. Matatag ang mga Pilipino.
D. Malayo ang Bataan sa Tarlac.
11. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa death march ng mga sundalong Pilipino at Amerikano? *
A. paghanga sa katapangan ng mga sundalong Hapones
B. pagpaskil sa social media ng kabayahihan ng mga sundalong Pilipino
C. pagkolekta ng mga larawan ng Death March
D. pagbisita sa Pambansang Dambana sa Capas, Tarlac
12. Sino ang naatasang kumander ng Hukbong USAFFE na namuno sa pakikipagdigmaan sa Bataan? *
A. Hen. Douglas MacArthur
B. Hen. Jonathan Wainwright
C. Hen. William F. Sharp Jr
D. Hen. Edward P. King
13. Kung gagamitin ang mga aral ng ating kasaysayan, ano marahil ang dahilan ng pang-aagaw ng Tsina ng teritoryo sa Panatag Shoal sa kasalukuyan? *
A. Gusto nilang maging superpower.
B. Hinahamon nila ang Estados Unidos.
C. Naghahanap sila ng mga likas na yaman.
D. Naiinggit sila sa kagandahan ng Pilipinas
14. Ano ang nag-iisang partido-pulitikal ng mga Hapones sa Pilipinas? *
A. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
B. Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
C. Japanese Military Administration
D. Hukbong Bayang Kampi sa Hapon
15. Bakit nag-iisang partido-pulitikal ang KALIBAPI? *
A. Hindi mahilig ang mga Hapones sa pulitika.
B. Pansamantala lamang ang pananakop ng Hapon.
C. Walang Pilipinong nais sumali sa mga katulad na grupo.
D. Kontrolado ng Hapon ang pamamahala.
16. Paano mailalarawan ang mga patakaran ng Hapon sa pagsasarili ng Pilipinas? *
may puso
makatarungan
di-tapat
makasarili
17. Anong uring hanapbuhay ito na laganap noong panahon ng mga Hapones?Anumang bagay na may halaga ay binibili at ipagbibili muli upang kumita.*
A.sari-sari store
B. buy and share
C. Online selling
D. buy and sell