1.Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng kaganapan/tunguhin ng Kilos-loob na pagkamit ang kabutihan?
a. Ang paniniwala na kailangan ng mabigat na parusa upang makamit ang kaayusan
b. Pagpapamalas ng kalupitan sa nasasakupan upang mapasunod ang mga ito.
c. Ang pagkakaroon ng tapat na pamamahala ay makakapagtibay ng kapayapaan
d. Ang pagpilit sa iba na umayon sa iyong mga paniniwala
2.Ang tao ay nilikha ng Diyos ayon sa kanyang wangis. Binigyan Niya ang tao ng ISIP at KILOS-LOOB upang mapamahalaan ang Kanyang mga nilikha sa mundo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang hindi nagpapatunay dito.
a.Pagpapaunlad sa mga kakayahan para sa kapakinabangan ng mas nakararami
b.Pagbuo ng mga pasya na naaayon sa Likas Batas Moral
c.Pag-iisip at pagkilos na may gabay ng tamang konsensiya
d.Pagbuo ng mga pasya batay sa kung ano ang kaniyang nais
3.Noong unang kabihasnan, kinailangang gumawa ng mga pinuno ng mga batas upang makontrol ang pamumuhay ng mga tao. Ito ay upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa mga lungsod. Sa paanong paraan nagamit ng mga pinuno ang tungkulin ng kanilang isip o intellect?
a. Pagsusuri at pagnilay sa mga impormasyon at pasasagawa ng mga solusyon
b. Malaya silang pumili ng kanilang nais isipin at gawin para sa kanilang nasasakupan
c.Naging mapanagutan sa pagpili ng mga aksiyong makakabuti para sa lahat
d.Pagpili na gawin ang mabuti para sa kanilang nasasakupan
4.Ang isip ay may kapangyarihang umalam, umunawa. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng isip?
a. Ito ay layuning alamin ang kabutihan.
b. Ito ay malayang pagpili ng nais mong gawin.
c. Ito ay may layuning alamin ang katotohanan.
d. Ito ay nagpapasya batay sa nakalap na impormasyon.
5.Ang isang sentralisadong pamahalaan ay may kapangyarihan na nagkokontrol sa mga mamamayan at nagbibigay ng batas at alituntunin sa kanyang mga nasasakupan. Paano maisasakatuparan ng lider ng ganitong pamahalaan ang kaganapan ng kilos-loob (KABUTIHAN)?
a. Paggawa ng mga alituntunin na pabor sa mga mayayaman
b. Pagpapalabas ng mga batas na makakabuti para sa mas nakararami
c. Paglikha ng mga alituntunin na para sa kabutihang panlahat
d. Pagpapatupad ng mga batas na may pagpanig sa mga mahihirap na pamilya
6.Ang kilos-loob ay may kapangyarihang maaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Alin sa mga sumusunod na pahayag na nagpapatunay dito?
a. Malayang pumili ng gustong isipin o gawin
b. Maging mapanagutan sa pagpili ng aksiyong makabubuti sa lahat
c. Pagpapasya batay sa mga palagay (assumption) na walang sapat na basehan
d. Pagkilos ng ayon sa gut feeling
7.Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan​