Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Answer:
Kung sadyang bibilangin, napakarami ng birtud na kailangang malinang natin sa ating mga sarili upang maging isang mabuting tao subalit mayroong nangunguna sa mga ito.
Ang mga birtud sa ibaba ay ang mga nangungunang birtud na nais kong malinang sa sarili.
*Pag-unawa
* Karunungan
* Katatagan at
*Maingat na Paghuhusga
Explanation:
PAG-UNAWA
Maging sa mga leksyon sa paaralan, sa pangaral ng magulang o sa mga nagkakasala sa iyo, kinakailangan ang pag-unawa. Nais kong malinang sa aking sarili ang birtud na ito sapagkat ito ay magsisilbing tulay tungo sa mabuting pakikipagrelasyon ko sa aking sarili at sa kapwa.
KARUNUNGAN
Sa pagbabasa at pagpasa ng mga eksam, nalilinang natin ang ating talino subalit hindi ito sapat upang maging isang kapaki-pakinabang na nilalang ng lipunan. Kinakailangang marunong din tayong gumamit ng talinong ito sa mabuti at kapaki-pakinabang na paraan. Kaya nga marami ang napagsasabihang "nag-aral ngunit hindi natuto" dahil matalino ngunit walang dunong dahil hindi alam gamitin ang talino. Kaya sa sarili ko nais kong malinang ang birtud ng karunungan.
KATATAGAN
Kailanman hindi namimili ang pagsubok ng taong kakapitan. Nais kong malinang sa aking sarili ang birtud ng katatagan upang malagpasan ko ang alinmang pagsubok sa buhay habang akoý tumatanda at lumalaki ang mundong aking ginagalawan. Kailangan kong maging matatag upang maipakita na mas malaki ako at mas matapang kaysa anumang dagok ng buhay.
MAINGAT NA PAGHUHUSGA
Higit sa alinpamang birtud pinakanais kong malinang sa aking sarili ang birtud ng maingat na paghuhusga. Ang birtud na ito ang aking magiging kalasag sa buhay upang lubos na mapanindigan ang alinmang desisyon na gagawin ko sa buhay. Sa bawat panghuhusgang gagawin, alam ko marami ang maaapektuhan kaya sa paglinang ng birtud na ito,maiiwasan ko ang makasagasa ng iba at maiiwasan ko rin ang pagkaroon ng pagsisisi sa mga desisyong nagawa sapagkat naging maingat ako sa paghusga.
Umaasa kami na nakatulong ang impormasyong ito. Huwag mag-atubiling bumalik anumang oras para sa higit pang mga sagot sa iyong mga tanong at alalahanin. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.