Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Sumali sa aming Q&A platform at kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon mula taong 1565 hanggang 1898. Dalawang pamamaraan ng pananakop ang ginamit ng mga Espanyol, ito ay ang ebanghelisasyon at ang kolonisasyon. Ang ebanghelisasyon ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas at nagsisimbolo ito ng krus bilang mapayapang paraan ng pananakop. Espada ang simbolo ng kolonisasyon at ginagamitan ito ng lakas-militar para sakupin ang Pilipinas. Sa estratehiyang ebanghelisasyon, ang mga paring Espanyol o kilala sa tawag na prayle ang namamahala. Ang mga guardia civil ang namamahala sa kolonisasyon sa estratehiyang batas militar.
Mga Patakaran ng Espanyol
Itinuturing ang mga Pilipino na di-sibilisado kaya nagpatupad ang mga Espanyol ng sumusunod na mga patakaran:
Entrada. Ito ang unang hakbang sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas na ginagamitan ng lakas-militar.
Reduccion. Ito ay ang pag-iipon ng mga tao sa iba't ibang barangay sa isang cabecera upang mapadali ang pagsakop ng mga Espanyol.
Doctrina. Ito ay pinangangasiwaan ng mga prayle at nagtatayo ng isang parokya sa cabecera. Ang mga paring misyonero rin ang nangangasiwa at pagbibinyag sa mga Pilipino ayon sa simbahang Katoliko (brainly.ph/question/111272).
Encomienda. Ito ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng pamahalaang Espanya. Ang mga encomendor ay pinagkalooban ng encomienda at naging tagapamahala sa nasasakupan bilang kinatawan ng hari ng Espanya.
Polo y servicio personal o prestacion personal. Ito ay ang sapilitang paggawa ng walang kabayaran ng mga lalaking Pilipino edad 16 hanggang 60 na taong gulang. Sila ay pinagtatrabaho ng 40 na araw sa loob ng isang taon upang magputol ng mga puno sa mga gubat at gumawa ng mga barkong pandigma.
Tributo. Ito ay labis at sapilitang pagbayad ng buwis na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang mga ecomendero ang kumokolekta ng mga buwis sa kanilang nasasakupan dito sa Pilipinas.
Mga Di-mabuting Epekto ng Pananakop ng Espanyol sa Pilipinas
Ang mga sumusunod ang di-mabuting epekto ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas:
Pagkawala ng kalayaan, katarungan at karapatang pantao ng mga sinaunang Pilipino.
Ginawang panakot ang relihiyon o paniniwala sa Diyos upang pasunurin ang mga Pilipino sa kanilang mga patakaran.
Ang pag-unlad ng agham at teknolohiya ay nahadlangan dahil doktrina ng relihiyon ang ginagamait sa pagtuturo.
Dahil sa kaisipang kolokyal mas tinangkilik ng mga Pilipino ang mga imported na produkto.
Pagkakaroon ng di-pantay na antas sa lipunan sa pagitang ng mayaman at mahirap.
Pagkakaroon ng mga labanan dahil hindi na matiis ng mga sinaunang Pilipino pagmamalabis ng mga Espanyol sa kapangyarihan.
Explanation:
sana po makakatulong
#CARRYONLEARNING
Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa higit pang tumpak na mga sagot at napapanahong impormasyon. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa aming mga eksperto.