Ang mga unang tula ng mga Pilipino ay mga karunungang-bayan na binubuo ng mga sumusunod:
Salawikain – Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga.
Bugtong – Inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng mabisang pag-iisip.
Palaisipan – Ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong, ito ay nangangailangan ng talas ng isip.
Kasabihan o kawikaan – Ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Pinalalaganap ng mga nakatatanda ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan upang imulat at turuan ang mga nakakabata ukol sa angkop na pagkilos, tamang pag-uugali, mabuting pakikitungo sa kapwa, at sa tahimik at masayang pamumuhay.