Ang salitang heograpiya ay nagmula sa mga salitang Griyego na geo na nangangahulugang mundo, at graphien na nangangahulugan namang pagsusulat o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay ang paglalarawan sa pisikal na anyo ng mundo.
Sa pag-aaral ng heograpiya, mahalagang malaman na may mga pagkakaiba sa mga lugar sa ibabaw ng mundo. Nararapat na pagtuunan ng pansin ang distribusyon ibinibigay ng mga anyong lupa at anyong tubig na nakapalibot sa atin. Natututunan din natin na ang tao ay may ugnayan sa kalikasan at likas na umaangkop ayon sa kanyang mga pangangailangan. Dahil dito, lalong napapaunlad ng tao ang kalidad ng kanyang buhay. Ilan sa mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay ang mga pangunahin at pangalawang direksyon, mga linya sa globo/mapa, mga klima sa mundo, mga kontinente sa mundo, ang grid ng daigdig, at ang mga katangi-tanging tanawin sa mundo.
:)