Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

Ano ang mga salita na ginagamit sa paghahambing

Sagot :

Ang paghahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

a. Pahambing na Pasahol Palamang - nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasinoat iba pa.

Halimbawa:

Mas malawak ang kanyang kaisipan kaysa sa akin.

b. Pahambing na Patulad - nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.

Halimbawa:

Kapwa nakamamangha ang talentong ipinakita ng El Gamma Penumbra at Junior New System sa Asia's Got Talent.

--

:)