Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.

Ilarawan ang istraktura ng daigdig

Sagot :

Ang mga Istraktura ng daigdig ay ang mga sumusunod:

  • Crust - ang bahaging ito ng planeta ay matigas at mabato. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim sa mga kontinente, sa karagatan ito ay may kapal lamang na 5-7 km.  
  • Mantle - ito ay nasa ilalim ng crust, isang patong ng mga batong napakainit kung kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.  
  • Core - Ito ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.

Ang daigdig ay may tinatawag na mga plate o mga malaking masa ng solidong bato. Hindi nananatili ang mga plate sa posisyon nito. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Ang nangyayaring paggalaw ng mga plate ay napakabagal, it ay umaabot lamang 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.

Kahulugan ng HEOGRAPIYA

Ito ay isang paksang may napakalawak na saklaw. Nakapaloob sa pag-aaral ng Heorrapiya ang tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig. Ang salitang “heograpiya” ay hango sa salitang greek na geographia. Ang katumbas ng salitang geo ay “lupa” at ang graphein ay “sumulat”.  

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Kahulugan ng Heograpiya tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/167359

Sangay ng Heograpiya

  1. Heograpiyang Pisikal (Physical Geography) - Agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa kapaligiran.
  2. Heograpiyang Pantao (Human Geography) - Agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Sangay ng Heograpiya tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/128987

Mga Saklaw ng Heograpiya

  1. Anyong Lupa at Anyong Tubig
  2. Likas na Yaman
  3. Klima at Panahon
  4. Flora (Plant Life) at Fauna (Animal Life)
  5. Interaksyon at Distribusyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Saklaw ng Heograpiya tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/140515

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.