Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at eksakto mula sa aming dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

pinapakinabangan ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap​

Sagot :

Answer:

Primary Menu

Destinations

Manila

Palawan

Boracay

Cebu

Singapore

Explore More

Budget Travel

ZEN Deals

  • Kilala ang Perlas ng Silangan sa magagandang karagatan, dalampasigan, kabundukan, at masasarap na pagkain dahil sagana ang likas na yaman ng Pilipinas. 

  • Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mga bagay na makukuha natin mula sa kalikasan tulad ng lupa, gubat, dagat, at kabundukan. Mahalaga ang mga likas na yaman ng Pilipinas dahil dito nakasalalay ang mga pangangailangan at pangkabuhayan ng mga tao. Mula sa yamang-lupa hanggang sa yamang-dagat, tatalakayin natin isa-isa kung ano ang pinagkaiba ng mga ito upang makatulong sa iyong pag-aaral.

Mga Likas na Yaman ng Pilipinas

  • Kung ika’y nagtatanong kung ano ano ang mga likas na yaman ng Pilipinas, nasa tamang lugar ka dahil iisa-isahin namin ‘yan sa blog na ito. Heto ang listahan ng likas na yaman ng Pilipinas na dapat mong malaman.

  1. Yamang lupa – Mga likas na yaman ng Pilipinas na itinatanim sa lupa

2. Yamang tubig – Mga likas na yaman ng

Pilipinas na makukuha sa tubig

3. Yamang gubat – Mga likas na yaman ng

Pilipinas na makikita sa kagubatan

4. Yamang mineral – Mga likas na yaman ng

Pilipinas na mahuhukay sa ilalim ng lupa

5 .Yamang tao – Tumutukoy sa mamamayang

kayang pagyamanin ang likas na yaman ng

pilipinas

  • Ang yamang lupa ay mga likas na yaman ng Pilipinas na tumutukoy sa mga bagay o pagkain na karaniwang makikita sa anyong lupa. Itinuturing ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa dahil mainam taniman ang mga lupa rito

Halimbawa ng mga yamang lupa

  1. Palay
  2. Mais
  3. Prutas
  4. Gulay
  5. Puno
  6. Halamang-ugat
  7. Halamang-gamot

  • Ang yamang tubig naman ay tumutukoy sa mga likas yaman ng Pilipinas na makukuha sa anyong tubig tulad ng dagat, lawa, talon, ilog, at iba pa. Kung yamang tubig lang din ang pag-uusapan, mayaman ang Pilipinas sa anyong tubig na pinagkukunan ng makakain ng mga tao. Mahigit 2,000 klaseng isda ang matatagpuan sa Pilipinas, ilan sa mga ito ay endemic sa bansa gaya ng sinarapan na sa Camarines Sur lang makikita at ang tawilis na sa Taal Lake lang mayroon.

Halimbawa ng mga yamang dagat

  1. Isda
  2. Corals
  3. Perlas
  4. Jellyfish

  • Ang yamang gubat naman ay ang likas na yaman ng Pilipinas tulad ng bagay o hayop na matatagpuan sa kagubatan. Kabilang dito ang mga natatanging puno, halaman at hayop na sa Pilipinas lang makikita tulad ng Tamaraw sa Mindoro, Philippine Monkey-Eating Eagle, at Mouse Deer.

Halimbawa ng mga yamang gubat

  1. Puno
  2. Hayop
  3. Halaman
  4. Bulaklak

  • Tumutukoy sa mga likas yaman ng Pilipinas na mamimina o mahuhukay sa ilalim ng lupa ang mga yamang mineral. May tatlong uri ng mineral na mahuhukay sa lupa: metaliko, ‘di metaliko, at panggatong. Ang yamang mineral ay madaling maubos at hindi napapalitan. 

Halimbawa ng mga yamang mineral

  1. Ginto
  2. Diyamante
  3. Pilak
  4. Tanso
  5. Yero
  6. Tin
  7. Semento
  8. Marmol
  9. Aspalto
  10. Apog
  11. Asbestos
  12. Langis
  13. Uling

  • Ang yamang tao naman ay ang likas na yaman ng Pilipinas na itinuturing bilang isa sa pinakamahalaga. Tumutukoy ito sa mamamayan na nagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng serbisyo, agrikultura, at industriya.

Mga sektor na napapabilang ang mga tao

  • Agrikultura – Ang sektor na ito ay may responsibilidad na gumawa at mag-produce ng mga pagkain mula sa mga likas na yaman ng Pilipinas. Kabilang dito ang mga magsasaka at mangingisda.

  • Industriya – Ang sektor na ito ang nagpo-proseso ng mga raw materials para makagawa ng mga materyales na ginagamit pang-araw-araw. Kabilang dito ang mga minero, nasa konstruksiyon, manupaktura, at pabrika.

  • Serbisyo – Ito ay mga taong may kaalaman at kasanayan na kailangan sa kalakalan. Kabilang dito ang mga nagta-trabaho sa pampubliko at pribadong institusyon gaya ng mga taga-transportasyon, komunikasyon, at marami pang iba.

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa mga eksperto.