Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang papel sa pagtitipid ng sambahayan sa pamilihan?
2. Ipaliwanag kung kailan ang kabuuang produksyon ng ekonomiya ay katumbas ng kabuuang
pangangailangan?
3. Paghambingin ang kagamitan o papel ng sambahayan at bahay-kalakal?
4. Bakit mahalagang mapataas ang produksyon at paglaki ng pamumuhunan sa bansa?
5. Paanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng
pamumuhay ng mga tao tungo sa kaunlaran ng bansa?
6. Paano nakaaapekto sa pagbubuwis ang pagbili ng kalakal at paglilingkod?
7. Ano ang ginagawa ng pamahalaan upang mabigyan ng maayos na paglilingkod ang sambahayan?
8. Saan dinadala ng pamahalaan ang kita na dulot ng sambahayan at bahaykalakal? Ipaliwanag.
9. Tukuyin ang papel ng pamumuhunan sa modelo ng paikot na daloy ng produkto at paglilingkod.
10. Bilang isang mamamayan ng bansa, paano ka magiging bahagi ng gawaing pang-ekonomiya ng
bansa?