Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Kumuha ng mga sagot na kailangan mo nang mabilis at eksakto mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

kahalagahan ng kuwaresma​

Sagot :

Answer:

Ang kuwaresma sa latin na salita ay "Quadragesima" na ang ibig sabihin ay "Pang-apatnapu". Ito ay ang pag-aayuno o pagbibigay ng ilang mga uri ng karangyaan bilang isang paraan ng pagsisisi na tradiyunal na ginagawa ng mga Katoliko. Nagsisimula ang Kuwaresma sa Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday at natatapos sa paglubog ng araw sa Huwebes Santo.  

Ang huling bahagi ng Kuwaresma ay ang Semana Santa na nagsisimula sa Linggo ng Palaspas, Pagpapakasakit ng Panginoon at natatapos sa paglubog ng araw ng Huwebes Santo. Ang gabi ng Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ay hindi na Kuwaresma kundi ang pinakatangi at mahalagang mga araw sa buong taon.

Tradisyunal na layunin ng Kwaresma

1. Paghahanda ng pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin, penitensiya, pagsisisi, almsgiving, at pagtanggi sa sarili.

2. Magpahigit sa taunang pagdiriwang ng Mahal na Araw.

3. Markahan ang kamatayan at pagkabuhay na muli ni Jesus.

4. Pag-alala ng mga kaganapan ng mga pagpapakasakit ni Kristo sa Biyernes Santo.

5.  Pagdiriwang sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay ni Hesukristo.

Mga kaugalian tuwing Kuwaresma

1. Pagninilay sa salita ng Diyos

Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya at magnilay sa Salita ng Diyos araw-araw, pagsisimba araw-araw, dahil sa Misa ipinahahayag ang Salita ng Diyos at nangangaral ang lingkod na pari.  

2. Pakikipagkasundo sa Diyos at sa Kapwa

Ito ay sa pamamagitan ng Sakramento ng Pakikipagkasundo. Sa sakramentong ito, tinatanggap natin na nagkamali at nagkasala tayo at dumudulog tayo sa kanya upang patawarin tayo. Sa pamamagitan ng pari, natatanggap natin ang pagpapatawad ng Diyos.

3. Panalangin

May dalawang paraan ang panalangin para sa tradisyon ng mga Kristiyano. Ang una ay ang pagdalangin kaisa ng pamayanan (communal). Halimbawa pagsisimba tuwing Linggo o araw-araw, ang pagsama sa Panalangin ng Kristiyano sa Maghapon (Liturgy of the Hours), mga panata gaya ng Daan ng Krus at Bisita Iglesia, at iba pa. Ang pangalawa ay panalanging mag-isa (personal), halimbawa ay ang pagrorosaryo, dumalaw sa Banal na Sakramento o gawin nang mag-isa ang pamamanata.

4. Pag-aayuno at Pag-iwas sa ilang uri ng Pagkain

Ito ay ang pag-iwas sa mga pagkain na paborito natin gaya ng karne, pag-iwas sa mga pagkain hilig natin,  pag-iwas sa mga bisyo o kahit anong luho at kalabisan natin.  Ginagawa ito bilang sakripisyo.

5. Pag-aabuloy

Ito ay ang pagtulong sa mga kapwang mahihirap. Sa kaugalian ng Simbahan, ginagawa ito sa pamamagitan ng paglilimos.

Explenation:

Hope its help :)