Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Tuklasin ang aming Q&A platform upang makahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Liongo
(Mitolohiya)
Isinulat ni: Jenny A. Bendanillo
Tauhan:
Ang tauhan sa mitolohiyang ito ay hindi diyos o diyosa, subalit siya ay malakas at mataas tulad ng isang higante siya ay si Liongo. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta , at Shangha sa Faza o isla ng Plate. May tauhan ding si Mbwasho siya ang ina ni Liongo at si haring Ahmad (Hemedi) na pinsan ni Liongo at si haring Ahmad ang kauna- unahang namuno sa Islam. May tauhan ding kababaihan at kalalakihan na siyang dahilan sa mabilisang pagbabago. May mga tauhan na bilanggo at mga taong nakatira sa kagubatan. Ang anak ng Hari na dalaga na siyang naging asawa ni Liongo. At ang naging anak ni Liongo na lalaki na nagtraydor sa kaniya at nagpatay.
Tagpuan:
Ang mga pangyayari ay naganap sa Kenya, Ozi at Ungwana sa Tana Delta, Shangha sa Faza o isla ng Plate, sa loob ng bilangguan at sa Watwa.
Banghay:
Ang mga pangyayari ay nakatuon sa mga pagsubok sa buhay ni Liongo. Katulad ng matagumpay niyang pananakop ng trono ng Plate na napunta sa pinsan niyang si haring Ahmad na nagtraydor sa kaniya. May pangyayari ding ikinadena at ikinulong si Liongo dahil sa kagustohan ni haring Ahmad na mawala si Liongo. Subalit nakatakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naroroon sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso. At sumali siya sa paligsahan ng pagpana at nanalo. Sa kasamaang palad ay pakana pala nf hari iyon at nadakip muli si Liongo. Ngunit nagwagi parin si Liongo dahil sa kaniyang taglay na katalinuhan kaya naibigay ng hari ang dalagang anak upang mapabilang si Liongo sa kaniyang pamilya. At nagkaanak sila ng isang lalaki na nagtraydor at nagpatay sa kaniya.
Tema:
Ang tema ng mitolohiya ay nagpapahayag kung sino si Liongo at ang mga matagumpay niyang nagawa. Sa mitolohiyang ito may matutunan tayo tulad ng pagiging maraming at hindi sumusuko sa anumang pagsubok na darating at hindi dapat tayo magtiwala kahit kanino.
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Umaasa kaming naging kapaki-pakinabang ang aming mga sagot. Bumalik anumang oras para sa karagdagang impormasyon at mga sagot sa iba pang mga tanong na mayroon ka. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.