Answer:
Hindi, dahil maaaring nakikipagbalat-kayo lamang ito (nakikipagplastikan). Maaaring hindi na nagiging totoo ang kanyang ipinapakita at puro maskara na lamang. Kung tunay ang intensyon ng taong makitungo sa iba, bakit hindi na lamang nito ipakita kung anong talaga siya. Sa pakikitungo, hindi naman ibig sabihin na ang dapat sa iyo ay lahat mabuti, maganda o kaaya-aya dahil magiging malaking problema ito pagdating ng panahon.
Ang isang taong totoo sa kanyang sarili at kapwa ay mas mabuti kumpara sa isang taong nagtatago sa isang maskara ng positibong emosyon. Kapag ang isang tao ay nagpakita ng isa o dalawang negatibong emosyon sa iba, ay nagpapahiwatig na pinagkakatiwalaan nito ang taong pinakitaan na magreresulta sa mas malalim na pagkaka-unawaan sa pagitan ng dalawa.