cielo17
Answered

Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Tuklasin ang mga sagot na kailangan mo mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa kanilang kaalaman at karanasan. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

Ano ang kahulugan ng pangatnig? At mga halimbawa nito?

Sagot :

Pangatnig= tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa isang pangungusap.

Halimbawa: AT,PATI,SAKA,NI,MAGING,SUBALIT,NGUNIT,KUNG,

Meron ding walong uri ng pangatnig:

1. Pamukod = ito ay ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi halimbawa nito/ o,ni,at,man,maging

Halimbawa: Hinugasan ni Jelay ang aking kinainang plato.

2. Panubali = ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan halimbawa nito/ kung,sakali,disin,sana,kapag.

Halimbawa: Sana bago sumapit ang kapaskuhan ay dumating na ang itay.

3. Paninsay = ito ay ginagamit kung sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi nito. Halimbawa nito/ kahit,kahiman,ngunit,dapatwat,subalit,samantala,bagaman

Halimbawa: Lahat ng kagustohan mo ay ibinigay niya,kahiman nagawa mo parin siyang lokohin.

4. Pananhi = ito ay nagbibigay ng dahilan o katuwiran para sa pagkakaganap ng kilos halimbawa nito/ sapagkat, dahil sa,sanhi sa,mangyari

Halimbawa: Mapapatawad ko lahat ng ginawa niya ,sapagkat mahal ko siya.

5.Panapos = ito ay nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita halimbawa nito/ sa wakas.upang, sa lahat ng ito, sa di kawasa

Halimbawa : Matagal ang ginawang pagtatalumpati ng isang kandidato sa wakas natapos din ito.

6. Panlinaw = ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuang ng isang nabanggit

Halimbawa: Nagkausap-usap na ang magkakaibigan, kung kaya sila ay magkakasundo na muli.

7. Panimbang = Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan halimbawa nito/ anupat,at saka,pati

Halimbawa ; Si Enso pati si Selya ay isinama ng kanilang lola sa pagsimba.

8. Pamanggit = ito ay gumagaya o nagsasabil amang ng iba,tulad ng daw,raw,di umano,sa ganang akin

Halimbawa ; Si Laurence daw ay tumama sa lotto ng jackpot.

i-click ang link para sa dagdag kaalaman;

https://brainly.ph/question/1202767

https://brainly.ph/question/125757

https://brainly.ph/question/287855