Answer:
Katarungan:
Ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng bawat isa.
Ang katarungan ay umiikot sa dalawang nibel: (1.) nibel ng pagkilala sa tao bilang tao (2.) nibel ng pagkilala sa karapatan ng tao. Sa oras na ang tao ay nakikipag - ugnayan sa kaniyang kapwa at kumikilos bilang bahagi ng lipunang kaniyang ginagalawan, natututo siyang kilalanin at igalang ang kaniyang kapwa sapagkat tulad ng kaniyang kapwa, nais rin niyang makatanggap ng kaparehong paggalang sa kaniyang pansariling karapatan at buhay bilang isang pribadong bagay. Kaya naman, may hangganan ang panghihimasok ng tao sa kaniyang kapwa kahit pa madalas ito ay binibigyang - katuwiran bilang bahagi ng pagmamalasakit at pakikisimpatiya.
Keywords: katarungan, prinsipyo, karapatan