Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

ano ang saklaw ng pamahalaang bansa​

Sagot :

Answer:

DILG: Saklaw ang buong bansa sa road clearing operations, hindi lamang Metro Manila

July 30, 2019

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong araw na ang direktibang inilabas kahapon ng Kagawaran ukol sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin at tanggalin ang lahat ng nakakabara sa mga kalsada ay hindi lamang sumasaklaw sa mga pinuno ng pamahalaang lokal sa Metro Manila kundi maging sa mga pamahalaang lokal sa buong bansa.

"Walang hindi saklaw ng kautusan na ito. Binibigyan lamang namin nang mas malaking pansin ang Metro Manila sapagkat ang suliranin sa trapiko sa mga kalsada ay mas malala sa National Capital Region (NCR) ngunit ang memorandum ay sakop ang buong bansa," ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan E. Malaya.

Ipinaliwanag ni Malaya na dahil ang pag-uutos na "bawiin ang mga pampublikong kalsada na ginagamit sa pribadong pamamaraan" ay nagmula mismo sa Pangulo noong kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), ito ay nakasasakop hindi lamang sa NCR kundi sa buong bansa.

"Gaya nga nang sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año, ito ay isang pambansang kautusan at gawain. Hindi lang naman sa Metro Manila matraffic kundi pati sa Cebu, Iloilo, at sa iba pang lugar sa ating bansa. Kaya yung tagubilin sa DILG na magsuspinde ng mga pabayang mayor ay kasama rin ang mga nasa probinsiya," aniya.

Noong Hulyo 29, 2019, inilabas ng DILG ang Memorandum Circular 2019-121 na nag-uutos sa lahat ng punong lalawigan, punong bayan/lungsod, at mga punong barangay na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang bawiin ang mga pampublikong kalsada, tanggalin ang mga iligal na istruktura at konstruksyon, at panibaguhin at ayusin ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapalit ng pananda at pangalan ng kalsada, at umisip ng pamamaraan upang matugunan ang isyu ng paglilipat sa mga mapapaalis.

"Inaasahan naming ang mga DILG field officers sa mga lalawigan na agarang makipagkita sa kanilang mga punong bayan/lungsod at ibahagi sa kanila ang pamantayan na inilabas ni Secretary Año sa pagpapatupad sa kautusan ng Pangulo noong SONA at tiyakin ang kanilang pagsunod dito,"ani Malaya.

Inaasahan din ang pagsumite ng mga DILG regional offices ng lingguhang ulat sa Tanggapan ng Kalihim ng DILG sa loob ng 60-araw na palugit sapagkat ang paglilinis ng kalsada ay isang pangmatagalan at tuloy-tuloy na gawain.

“Hindi dapat ningas-cogon lang ito. Tuloy-tuloy ang pagsasaayos natin ng mga lansangan para tuloy-tuloy rin ang pag-unlad ng ating mga komunidad,” ani Malaya.

Ayon sa kanya, katulad ng Metro Manila Mayors, ang mga pinuno ng pamahalaang lokal sa labas ng NCR ay maaari ring mairekomenda sa Pangulo na masuspinde kung walang kapansin-pansin na pagbabago na makikita sa kanilang mga nasasakupan matapos ang 60-araw.

“Sabi nga ni Secretary, dapat hindi na kailangang takutin pa o patawan ng parusa ang mga mayors dahil instinct na nila dapat ang pagtupad ng tungkulin. Ngunit nais naming malaman nila na kami sa DILG ay seryoso at titiyakin naming ang lahat ay tutupad sa kautusan ng Pangulo," aniya.

Explanation:

Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Ipinagmamalaki naming magbigay ng sagot dito sa Imhr.ca. Bisitahin muli kami para sa mas marami pang impormasyon.