ANUTO: Buuin ang konsepto tungkol sa Yugto ng Makataong Kilos. Piliin ang mga sagot sa kahon. Ang yugto ng makataong kilos ay isang (1)__________________ at gabay mula sa (2) __________________
hanggang sa (3) __________________ at pagkilos.
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ng makataong kilos. Ang mga yugtong ito ay umiiral dahil sa (4) __________________ at (5) __________________ at marapat lamang sundin upang magsilbing (6) __________________ sa makataong kilos. Kadalasan, sa dagliang pagpapasiya, ang tao ay hindi nagiging mapanagutan sapagkat ang nagawa ay hindi pinag-isipan o (7) __________________ . At sa huli, ang tao ay nagsasawalang bahala sa ginawang kilos. Ngunit kung ang mga yugtong ito ay ginamit, tiyak na magiging (8) __________________ ang tao sa kanyang (9) __________________ . Mahalaga na malaman ang bawat yugto upang maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na (10) __________________ .