1.Napansin mo na namamatay na ang mga halamang gamot na tanim ni Nanay.Nang didiligan mo na ang mga ito, Nakita mo na halos wala na palang lupa ang mga paso. 2. Binisita ninyo ang mga plot sa gulayan ng paaralan.napansin ninyo na matigas at tuyo ang lupa sa paligid ng mga tanim.3.Nakilala mo si mang pedro na nangangalakal ng diyaryo at bote.napagalaman mo na malaki ang bakanteng lote sa likod-bahay nila.Marami kang buto ng halaman na puwedeng itanim.4. Maraming puno na namumunga sa inyong bakuran.Hindi naman ninyo kayang ubusin ang bunga kaya nagkaka laglagan lang at nabubulok ang mga ito.5. Matapos ang malakas na bagyo at baha ,nasira ang mga pananim ni Mang david parang nawawalan na siya ng pag-asa.nalaman mo na tumutulong ang pamunuan ng barangay sa mga nasalanta ng bagyo.6.Hikain ang kapatid mong bunso.nakatira kayo malapit sa kalsada na mausok at madumi ang hangin dahil sa tambutso ng mga sasakyan Napag-aralan mo sa EPP na makatutulong ang pagtanim ng halaman para magkaroon ng malinis na hangin.Ano ang gagawin mo sa sumusunod na mga sitwasyon?