Pagyamanin
Basahing mabuti ang bawat pangngusap. Isulat ang Tama o Mall sa iyong sagutang papel.
__1. Ang kasunduan na Treaty of Goneral Relations noong Hulyo 4, 1946 ay hindi natupad dahil patuloy parin na nagkaroon ng kapangyarihan ang Amerika sa paggamit ng mga Base Militar sa ating bansa.
__2. Walang naitulong mabuti ang WarSurplus Agreement sa ating bansa.
__3. Umaasa lamang sa tulong ng bansang Amerika ang Pilipinas.
__4. Ang Philippine Bell Trade Act ay may hindi magandang naidulot sa larangan ng ekonomiya ng ating bansa.
__5. Pagtangkilik sa mga produktong galing sa Estados Unidos ay isa sa palatandaan na ang ating bansa ay may Colonial Mentality ang mga Pilipino.
__6. Ang administrasyong Roxas ay umani ng matinding batikos mula sa mga Pilipino dahil naging daan ng paghahari ng Amerika sa ating bansa noon.
__7. Ang pagtangkilik sa mga stateside na produkto ay nakapagpalata sa ekonomiya ng bansa.
__8. Dahil sa ating pakipag-ugnayan sa Amerika nagkaroon tayo ng pag- uunlad sa larangan ng Pangkabuhayan at Ekonomiya.
__9. Natuwa ang maraming Pilipino sapagkat malinaw na ipinakikita ng pamahalaang Roxas na hindi isang ganap na Kalayaan ang ipinagkaloob ng Estados Unidos sa Pilipinas kundi kalayaang political lamang o pamamahala sa gobyerno.
__10. Sa patuloy sa pagbibigay pabor ng mga namumuno sa Pilipinas sa Amerika ay lalong nagalit ang grupong HukBalaHap sa pamahalaan kaya ito ang dahilan na hindi sila sumuko kaagad sa panahon ng administrasyong Manuel Roxas at Elpidio Quirino.