Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ang mga pahahayag ay
nagsasabi ng katotohanan, ilagay ang titik K. Kung ito naman ay hindi nagsasabi ng
katotohan ay ilagay ang titik DK.
1. Ang imperyalismo ay direktang kinokontrol at pinapamahalaan ng
imperyalistang bansa ang kanyang sakop.
2. Ang tulang White Man's Burden ay isinulat ni Marco Polo. Ipinasailalim nito
ang mga asyano sa kaisipang sila ay pabigat sa mga kanluranin.
3. Ang mga paniniwala, pilosopiya at pananampalataya ng mga asyano ay
pinalitan ng mga Europeo.
4. Unti unting naubos ang mga likas na yaman ng mga kolonya dahil sa
pagkuha ng hilaw na materyales ng mga kanluranin.
5. Ang mga Kanluranin ay binigyan ng Kalayaan ang kanyang kolonya.
6. Ang Sphere of influence ay umutukoy sa mga rehiyon kung saan
nangingibabaw ang karapatan ng kanluraning bans ana kontrolin ang ekonomiya at
pamumuhay ng mga tao.
7. Dahil sa tulang White Man's Burden napasailalim sa kaisipan ang mga
kolonya na sila ay pabigat sa mga kanluraning bansa.
8. Nawalan ng karapatan ang mga asyano na pamahalaan ang sarili nilang
bansa gamit ang sarili nilang sistema.
9. Dahil sa udyok ng nasyonalismo nais ng mga nasyon sa Europe na
magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang mga karibal
na bansa.
10. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at
pamilihan ng produktong kanluranin.