Gawain 4: Lagyan ng (/) kung ang pangungusap ay wasto at (x) kung hindi ito wasto. Isulat ang iyong kasagutan sa malinis na papel.
1. Sa Timog at kanlurang Asya, higit na nagging Malaki ang impluwensya ng demokrasya sa mga kilusang nasyonalista.
2. Sa India, sa ilalim ng pananakop ng mga British, maraming Indian ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan at tradisyong Hindu.
3. Hinimok ni Swarmi Dayanand Saraswati, Isang Nasyonalista, ang muling pagbasa ng mga Veda upang maging batayan ng pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Indian.
4. Si Muhammad Ali Jinnah ay naging pangulo ng All India national Congress na naitatag noong 1885.
5. Itinatag ang Muslim League noong 1916.
6. Ang Ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan.
7. Iba’t ibang ideolohiya ang nabuo sa Asya, ito ang Demokrasya, Sosyalismo, komunismo at pasismo.
8. Sa Pangunguna ni Mohandas Gandhi itinatag ang Muslim League noong 1906
9. Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel-Aviv noong Mayo 14, 1948.
10. Pagkaraan ng ikalawang Digmaan Pandaigdig, ang Iraq at Palestine ay naipasailalim sa pamamahala ng Great Britain.