Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

gumawa ng sanaysay tungkol sa talon ng maria cristina ​

Sagot :

Answer:

Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa lalawigan ng Iligan sa Mindanao. Ito rin ay tinatawag na “twin falls” sapagkat ang daloy ng tubig ay hinati ng isang bato sa bingit ng talon. Ito ay matatagpuan sa Iligan na tinatawag din na “City of Majestic Falls” dahil masisilayan din dito ang 20 talon. Bukod sa ganda na makikita dito, may malaki ring tulong ang talon sa pamumuhay ng mga tao sa bayan ng Iligan. Ang talon ay pinagmumulan ng enerhiya na magagamit sa pangkabuhayan ng mga tao. Dahil sa pagbibigay nito ng enerhiya na tumutulong sa pangkabuhayan ng mga tao, nagbibigay ito ng malaking tulong upang umunlad ang bayan. Tumutulong rin ito sapagkat maraming turista ang nagpupunta dito upang masilayan ang kagandahan ng talon. Hindi masasayang ang lahat ng gastos at pagod sapagkat bukod sa Maria Cristina Falls, marami pang maaring puntahan dito katulad ng iba’t ibang talon at ang malinis at magandang Bucana Beach.

Sa sobrang laki ng naitutulong ng Talon ng Maria Cristina sa pamumuhay at turismo ng Iligan, dapat ay panatilihin natin itong malinis at maganda. Dapat ay iwasan natin ang polusyon sa tubig sapagkat maapektuhan ang ating magagandang tanawin at pag naapektuhan ang ating mga tanawain, mauubusan rin tayo ng pagkukuwaan ng ating mga kailangan at mababawasan ang kita na maari nating kitain upang umunlad ang ating bayan. Ang Turismo din natin ay baba sapagkat kakaunti na lamang ang turista na maaring dumayo sa ating bansa. Dapat magkaroon tayo ng disiplina sa pagtatapon ng ating mga basura sapagkat kung wala tayong disiplina sa pagtatapon, maaring maging madumi ang ating mga magagandang tanawin sa ating bansa. Kung magtutulungan tayong panatilihing malinis ang ating kalikasan, siguradong magiging maunlad ang ating bansa sapagkat maraming turista ang dadayo sa ating bansa upang makita ang iba’t ibang magagandang tanawin.

Explanation:

Answer:

Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo ng Mindanaw. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito. Ang talon ay ang palatandaan ng Lungsod ng Iligan , na binansagang “Lungsod na may Kahanga-hangang Talon”,dahil sa meron itong mahigit dalawampung (20) talon . Ito ay matatagpuan 9.3 kilometro ang layo hilagang-kanluran ng lungsod na hinahangganan ng sumusunod na mga Barangay Maria Cristina, Ditucalan, at Buru-un. Kilala rin ito sa kanyang likas na ganda at kariktan ,ang 320 - talampakan (98 metro) taas ng talon ay ang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad na pagkalahatang gamit naman ng mga industriya sa lungsod.

I hope it will help you(✯ᴗ✯)