Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan sa aming Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

Opinyon tungkol sa pagbabalik ng parusang kamatayan​

Sagot :

Answer:

Una sa lahat, walang sapat na datos na nagpapakita na ang parusang kamatayan ay makakapigil sa mga kriminal sa pagsagawa ng mga mabibigat na krimen.

Para mapatigil ang paglawak ng krimen, dapat nating palakasin ang sistema ng ating hustisya at gawing mas epektibo ang panghuhuli at papakulong sa mga kriminal.

Ang dahilan ng paglawak ng kriminalidad ay dulot ng ibang sanhi tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, hindi pantay na pwesto sa lipunan at iba pang mga bagay; hindi ang kawalan ng parusang kamatayan.

Sa katunayan, lumalabas sa mga pag-aaral na noong mga taong tayo ay may death penalty pa ay lalong dumadami at lumalawak ang mga krimen at hindi ito nababawasan.

Pangalawa, ang pagbabalik ng parusangPangalawa, ang pagbabalik ng parusang kamatayan ay makakaapekto sa mahihirap at mas mababang sektor ng lipunan na walang kakayanan upang kumuha ng maasahang abogado upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Sa isang survey na ginawa ng Free Legal Assistance Group (FLAG) sa mga nakakulong sa death row noong 2004 ay napansin nilang 2/3 sa mga ito ay mas mababa sa minimum wage ang kinikita.

Karamihan sa kanila’y nagtatrabaho sa agrikultura, konstruksiyon, at transportasyon. Umabot sa 62 porsiyento sa kanila ang hanggang elementarya lamang ang natapos; 32 porsiyento ang tapos ng hayskul at anim na porsiyento lang ang nakatapos ng kolehiyo.

Ito ay nagpapatunay na ang karamihan sa nahatulan ng kamatayan ay galing sa mahihirap at mababang antas ng lipunan na kulang ang kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang sarili.Pangatlo, ang parusang kamatayan ay lumalabag sa karapatang mabuhay na isinusulong ng maraming relihiyon at paniniwala.

Ang buhay ay bigay ng Maykapal. Siya lang ang may karapatang kumitil dito.

Kung nakagawa man tayo ng kasalanan, ang pagkabilanggo ay sapat na parusa upang mabigyan tayo ng pagkakataong magbago.

Hindi na natin mababago ang ating mga sarili kung tayo ay tatanggalan ng karapatan upang mabuhay.

Ito ang dahilan kung bakit ang Simbahang Katoliko ay mariing tumututol sa death penalty na ito.

Pang-apat, tayo ay lalabag sa international law kapag ibinalik natin ang parusang kamatayan sa ating bansa.

Pumirma tayo noong 1987 sa Second International Protocol kaugnay ngInternational Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) na nangangakong tatanggalin na sa ating bansa ang parusang kamatayan.

Ito ay obligasyon ng ating bansa sa pandaigdigang sambayanan at may malaking epekto sa atin kapag nilabag natin ito.

Kaya, sa aking paningin, hindi dapat ibalik ang parusang kamatayan!

Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Ipinagmamalaki naming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.