Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa mga pang-araw-araw at masalimuot na katanungan. Kumuha ng detalyado at eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

Anong kahulugan ng matigas ang loob?

Sagot :

Kahulugan ng “Matigas ang loob”

Ang “matigas ang loob” ay may kahulugan na matapang, matatag ang loob, hindi madaling madala sa kanyang damdamin, walang-awa, at hindi madaling magpatawad o hindi madaling makalimot sa kasalanan ng ibang tao.

Kasingkahulugan ng “matigas ang loob” ay matigas ang puso.  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng matigas ang loob, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/596563

Matigas ang loob at Kabaitan

Hindi ibig sabihin na kapag matigas ang loob ng isang tao ay wala na itong kabaitang taglay.

Matagal lamang magpatawad o magtiwala pero kalaunan e lalambot din ang puso at muling magpapatawad at magtitiwala sa mga taong karapat-dapat.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa matigas ang loob at kabaitan, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/1495295  

Kahulugan ng “matigas na kalooban”

Ang “matigas na kalooban” ay halos kapareho lamang ng “matigas ang loob” na may ibig sabihin na matapang. Ang ibig sabihin din nito ay hindi natatakot sa anumang pagsubok ang dumating sa kanya, mahirap man yan o madali.  

Ang “matigas ang loob” at “matigas na kalooban” ay ilang halimbawa lamang ng idyomatikong pahayag.  

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng matigas na kalooban, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/678128  

Mga halimbawa ng mga idyomatikong pahayag:

  1. Pusong Mamon - mabait
  2. Bukas ang dibdib - maawain
  3. Matalim ang dila – masakit magsalita
  4. Agaw buhay - naghihingalo  
  5. Hawak sa leeg – sunud-sunuran o kontrolado
  6. Butas ang bulsa – walang pera

Kahulugan ng Idyoma

Ang idyoma ay:

  • isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal
  • hindi binubuo ng tumpak na kahulugan
  • di-tuwirang pagbibigay kahulugan, pagpapakita ng kaisipan, at kaugalian ng isang lugar