Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na solusyon para sa mga naghahanap ng mabilis at tumpak na mga sagot sa kanilang mga katanungan. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.
Sagot :
Answer:
SAAN ka man naroroon sa globong ito may isang bagay na pangkaraniwan sa iyo at sa lahat ng sangkatauhan—ikaw ay sakop ng isang pamahalaan. Maaaring ikaw ay sang-ayon o hindi sa mga patakaran ng iyong pamahalaan, ngunit malamang na aaminin mo na kailangan ang pamahalaan.
Ngunit bakit? Bakit naging mahalagang bahagi ng pamumuhay ng tao ang mga pamahalaan sa loob ng libu-libong mga taon? Ano ang iba’t ibang uri ng mga pamahalaan? Anong pakinabang nito sa iyo bilang isang indibiduwal—kahit na kapag ikaw ay hindi sang-ayon sa mga ito?
Lalo na nang sa simula’y ipasiya ng tao na mamuhay sa mga lunsod, kinailangan ang ilang anyo ng pulitikal na pamamahala. Ang pamumuhay sa lunsod ay kailangang pamahalaan para sa kapakanan ng lahat. Sa katunayan, ang ating salitang “pulitika” ay hinango sa salitang Griego para sa “lunsod,” na polis, at ang pang-uring politikos, “ng isang mamamayan.” Mangyari pa, ang pangangailangan para sa isang anyo ng pamahalaan ay kinilala ng mga lipunan na mas matanda pa kaysa sinaunang mga estadong-lunsod na Griego. Libu-libong taon na ang nakalipas, ang Sumer, Ehipto, Israel, at Babilonya ay inorganisa sa ilalim ng iba’t ibang anyo ng pamamahala.—Exodo 18:13-27.
Gayunman, marahil sa sinaunang Gresya, kadalasa’y tinatawag na duyan ng demokrasya, na ang pulitikal na pilosopya ay naging mas malinaw na ipinahayag at ipinakilala ang bagong mga ideya. Ang mga pilosopo, gaya ni Plato at Aristotle, ay nagtalo tungkol sa mga kagalingan ng iba’t ibang pulitikal na mga sistema. Ang palagay ni Aristotle ay na ang pulitika ang siyensiya ng kaligayahang panlahat. Naniniwala siya na ang tungkulin ng estado ay magtatag ng isang lipunan para sa lubos na kaligayahan ng pinakamaraming tao. Ang pangunahing ideya na iyan ay makikita sa ilang antas sa karamihan ng mga pamahalaan yamang sila ay naglalaan ng mahalagang mga pasilidad para sa kapakinabangan ng lahat ng mamamayan: mga lansangan, edukasyon, mga sistema ng alkantarilya, pulisya, at hudikatura—upang banggitin lamang ang ilan.
Sa loob ng libu-libong taon ang tao ay nag-eksperimento sa lahat halos ng maiisip na anyo ng pamahalaan at pulitikal na pilosopya—mula sa mga monarkiya (ngayo’y halos hinalinhan ng mga republika) hanggang sa iba’t ibang uri ng demokrasya, (sa wari’y, pamamahala ng mga tao), at sarisaring mga oligarkiya at pagkadiktador. (Para sa kahulugan ng mga termino, tingnan ang kahon sa pahina 4.) Mula noong 1917 nakita na natin ang pagbangon ng komunismo, fascismo, at ng pambansang sosyalismo (ang Partido Nazi sa Alemanya).
paki bass nalang po
upang maY panuno at MaG silving lider sa pamahalaan at patakarang batas
Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.