Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
ALEGORYA (ALLEGORY)
Ang alegorya ay isang kwento kung saan ang mga elemento nito tulad ng tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan at ibig sabihin.
- Ito ay maaring magpahayag ng isang ideyang abstrak, mabubuting mga kaugalian, tauhan at isang pangyayaring makasaysayan, panrelihiyon, at panlipunan.
- Ito ay nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng naiibang kahulugan na karaniwan.
- Ito ay nililikha upang magturo sa atin ng kagandahang asal o magbigay ng komento tungkol sa kabutihan at kasamaan, at nagbibigay o nagpapahayag ng makabuluhang aral sa ating buhay.
- Ito ay isang kapansin-pansing istilo na gumagamit ng mga kathang-isip na mga tauhan at mga kaganapan upang ilarawan ang ilang paksa sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng mga pagkakahawig.
Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamaraan:
- Literal
- Simboliko o masagisag
Ang mga tauhan, tagpuan at pangyayari at iba pa sa isang alegorya ay may mahalagang sinasagisang o sinisimbolo. Narito ang ilang mahahalagang impormasyon at halimbawa ng isang alegorya mula sa kwento ng Banal na Aklat.
Tauhan
- Ligaw na tupa – napahamak o napariwarang tao
- Alibughang anak – anak na nagbigay ng hinanakit sa magulang
Tagpuan
- Golgota – kadalasang sumasagisag sa paghihirap o kamatayan
- Bundok – pakikipagtagpo sa Diyos (Sampung Utos)
- Disyerto – pagkauhaw sa Diyos, tukso (Ang Pagtukso kay Jesus ni Satanas
Bagay
- Krus – pasyon at pagkamatay ni Jesus
- Prutas – tukso o panlilinlang (kay Eba)
Pangyayari
- Kasalan – isang paanyaya sa kaharian ng Diyos
Ang alegorya ay kumplikadong uri ng literaryo at mahiwagang sining dahil kaya nitong maghain ng kumplikadong mga ideya at konsepto kung kailan mapapaisip ang mga mambabasa, makikinig o manonood para mas maintindihan ito.
Ang mga manunulat ng alegorya ay kalimitang sanay sa paggamit ng retorika. Kailangan kasing makapagpahiwatig ito ng mga simbolong uugnay sa mga tao, paniniwala, at pangyayariral na huhulma sa espiritwal at/o politikal na perspektibo ng mga tao.
Para sa karagdagan pang Kaalaman i-click ang link sa ibaba:
Ibig Sabihin ng Alegorya: brainly.ph/question/609280
#BetterWithBrainly
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.