Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang tamang sagot.
1. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa napakinggang
kuwento o teksto?
I. Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.
II. Nagtago sa ilalim ng bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni
tipaklong.
III. Patuloy ang pag-ihip ng malakas na hangin.
IV. Sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at tipaklong.
V. May bagyo ng umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. Ang mga
puno, maging ang mga halaman at bulaklak ay nagsasayawan.
A.V, IV, II, III,I B. V, II, I, III, IV C. V, I, III, II, IV D. V,III,, IV, I, II
2. Uuuwi kami sa Cebu City sa Agosto 15, 2020. Ano ang ginamit na pang-abay na
pamanahon sa pangungusap?
A. Agosto 15, 2020 B. Cebu City C. kami D. uuwi
3. Isaksak ang plantsa sa saksakan, Hintaying uminit ang plantsa bago ito gamitin,
Plantsahin ang kuwelyo ng damit, Sumunod ay ang mga manggas at iba pang parte ng
damit,_________________________________. Ano ang susunod upang makumpleto
ang panuto sa pamamalantsa ng damit?
A Ihanger ang damit upang hindi ito magusot. C.Tapakan ang damit upang hindi
magusot.
B Ilapag sa sahig upang hindi ito magusot. D. Buhusan ng tubig upang hindi
magusot ang damit.
4. Dahan-dahang inilapag ni Amy ang bata sa kaniyang kama. Ano ang pang-abay na
pamaraan ang ginamit sa pangungusap?
Ainilapag B. Amy C. dahan-dahang D. bata
5. Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang ginamit na pang-abay na panlunan sa
pangungusap?
A. Namili B. Pasko C. sa Divisoria D. damit
Panuto:Basahin ang mga sumusunod na pnagungusap upang malaman ang kahulugan ng mga
pamilyar at di-pamilyar na mga salita.
6. Huwag sayangin ang oras sa mga bagay na walang kabuluhan. Ano ang pormal na
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. walang katuturan C. mga lugar na sinasambahan
B. mga bagay na importante D. nakakatakot na lugar
7. Ang pangulo ay ang pinuno ng ating bansang Pilipinas. Ano ang dalawang salitang
magkaugnay?
A Pilipinas-pangulo B. pinuno-bansa C. pangulo-pinuno D. ating-bansa
8. May inaayos na poste kaya magkakaroon ng isang gabing brown-out. Ano ang ibig
sabihin ng brown-out?
A. mawawalan ng tubig C mawawalan ng pagkain
B. mawawalan ng kuryente D. mawawalan ng meryenda
9. Si Maria ay nagluto ng macaroni salad. Ano ang ibig sabihin ng salitang macaroni?
A. isang uri ng tsinelas C isang uri ng cellphone
B. isang uri ng kuwintas D. isang uri ng pagkain o meryenda